All I Really Need to Know I Learned in... Elementary and High School?

Apr 10, 2012 18:00



Nabasa mo na ba yang bagong libro ni Robert Fulghum?
Ten copies lang ang ni-publish na ganyan kaya bili na sa suking National Bookstore!
While supplies last.

Chos!

Eto seryoso na...
Five weeks na kami sa nilipatan naming bahay.
Bahay na hindi conducive tirhan. Haha.
But we survived!
Salamat nalang sa mga naging guro ko ng elementary at hayskul sa mga naituro nila sa akin.
Bakit?
Hmmmm.. Let me count the ways...

Una. Partially furnished ang bahay. Ang tanging iniwan lang ng owner ay ang kanyang washing machine, vaccuum cleaner at 32" LCD TV. Wala naman sana kaso samin yon. Kaso maski higaan, dining table at sofa, WALA! Buti nalang binigay na samin ang mga kama sa dating bahay, binenta din sa murang halaga ang dining set -- pero laslas pulso naman ang presyo ng lorry. :( Pero dahil sa Mathematics na itinuro mula Grade 1 at sa pagsama-sama ko sa Nanay ko sa palengke, na-apply ang pakikipagtuwaran este tawaran. Nakasakay pa'ko sa lorry at nakabonding kasama ng isang lorry guy na hawig KPop Idol. Haha.

Pangalawa. First week. Kailangan maglaba. Walang sampayan ang laundry area ni Uncle. Naisipan namin na palagyan ng pulley na sampayan ang labadahan, pero kinabukasan pa i-a-assess kung keribels ma-install-an, tapos a week after pa pede ikabit. Dahil ayaw kong matambakan ng maduming damit, gumawa muna ako ng temporary sampayan gamit ang kung anu-anong knot na tinuro para maging ganap na girl scout sa puso at diwa. Solb, nakaraos ang mga labahin namin. :)

Pangatlo. Kailangan na din magluto. Walang gas. Hindi naman kami nagkiskis ng kawayan para gumawa ng apoy. Pinaubaya ko na sa taga-Shellane ang gas.Naholdap kami ng $155. Ang mahal diba? Kung iisipin, $30-$33 lang ang isang tangke ng gas na panluto. Pero dahil hindi nga conducive ang bahay na yun para tirhan, wala ang mga pipes at fittings para sa kalan. Buti nalang ang girl scout at camper at kunwa-kunwariang hiker ay laging handa, madaming stock na ready to eat na pagkain. Solb ulet.

Pang-apat. Nabanggit ko na may iniwan na TV diba? Oo, pero walang console/rack o kung anuman pang tawag sa patungan niyon. So wala kaming choice kundi bumili dahil alang naman sa sahig ipatong ang TV at yumuko manood. Naka-box pa nang dumating ang TV rack. Buti nalang peyborit namin ng kapatid ko ang Lego at nafigure-out ko kung paano buuin ang lamesa. Salamat din sa Home Economics and Livelihood Education kasi natutunan ko ang importansya sa buhay nina Philips, Flathead at ni Allen Wrench. At dahil OC-OC ako at ayaw na kakalat-kalat ang mga wires, mabuti din ang naidulot nina Cable Ties at Black & Decker Drill.

Pang-lima. 3 rooms::3 TVs::1 cable point. Siguro magegets mo na ang nangyari. Dahil narasanan ko ang pakikipag-telebabad noon hanggang alas-tres ng madaling araw, di pwedeng di ko natutunan kung paano i-figureout ang pagka-haba-habang extension ng telepono. At tulad ng sa landline, shempre nafigureout ko rin ang tatlong mahahabang cable wires mula main cable point papuntang tatlong kwarto -- the power of splitter! Namaga lang ang mga daliri ko sa kakaroskas. Gumagana naman ang lahat ng TV sa lahat ng kwarto, pero dahil sobrang hassle ang ang mga kable na hindi nakaorganize, at nakamamatay kapag napatid ka, napagdesisyunan nalang na ipaayos sa tunay na technician. -__-

Pang-anim. Meron kaming maid's room na planong ipa-renta.
Mga action items para matirhan iyon:
kama - ✓
collapsible dresser - ✓
bentilador - semi-check

Dahil nga maliit ang kwartong iyon, napagdesisyunan na wall fan nalang ang ikabit para makatipid sa space. Hindi ko alam kung bakit hindi mai-drill ng hausmeyt ko ang screw nun. Isang Biyernes na absent ako, sinubukan kong i-drill ang semento. HINDI NGA SIYA MADALI!!! Dugo't pawis ang puhunan para maibaon ang dapat bumaon. FYI pala, babae kami lahat. o__O

Dapat pala nag-karpintero o nag-construction nalang ako. Bagay naman pala.
May sense din naman ang mga naituro nang mahigit isang dekada ng pag-aaral.
Hindi lang laging by the book at by high score ang labanan.
Meron at meron talagang nai-aapply sa tunay na buhay.

Sa totoo lang, wala lang talaga akong ideya na maisulat. (Pero wag ka, humaba ang post...Tsk! Tsk!)
Naalala ko lang lahat ng mga kalbaryo sa bagong bahay nung mga unang linggo.
Ngayon, masasabi kong, ayos na naman ang lahat.
May ka-berks akong kasambahay na Pinay sa 8th floor na may alagang Siberian Husky na si Spike at all-boys na kapitbahay na hanggang ngayon diko pa nakita -- na sabi ng isang hausmeyt ko feeling nya, yung isa hosto daw ang trabaho; yung isa mukha raw magtataho. Hahaha.

life in singapore

Previous post Next post
Up