Update #9787468211309099017

Feb 13, 2012 18:14

Tomorrow na ang Balemtayms Day, kaya Advance Hapi Puso! <3

Medyo naging busy nung last week ng January to first week ng Feb sa work. Pero sakto parin na nakakauwi ng 6-6:30.
Saka sakto lang na masingit ung mga sidetrip na mall tour bago umuwi para maglakad-lakad.
Tumakbo-slash-nag-alay-lakad sa Safari Run 2012. Yun ang unang marathon-marathon-an na sinalihan ko ngayong taon. Sabi 6km, pero sabi ni RunKeeper, 6.5km siya.
Last year sumali rin ako diyan pero inulan kami. Tapos binigay nalang ung medal basta-basta. Nung matapos magbigayan ng medal, bigla tumila ung ulan.
Tinuloy ung Fun Run, dun kami nakitakbo para kunwari may worth na paghihirap ung medal.
Kapag sumali ka sa Safari Run, free ang entrance sa Zoo. Last year, sa Night Safari. Ngayon, sa Singapore Zoo naman.
Kaya pagtapos nung takbo, tumambay kami ni Prend sa loob -- kumain ng Indian food, Pizza at nanood ng Elephant Show.
Nagpunta sa Kids Station na puno ng water fountains. Tapos meron dun isang section na parang balde tapos pupunuin tapos pag nag-bell na siya, babagsak ung tubig. Tumayo kami sa gitna kasama ang mga bata at matandang naka-swimsuit at brief, sabay splash, tili. Ayun basang parang sisiw kaming umuwi. Pero masaya :)


 


Ni-meet ang isa pang kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Sam.
Tumambay sa peyborit nyang coffeeshop sa may Ion.
Naglakad sa Orchard hanggang marating ang Concorde at dun umupo sa benches sa sidewalk at nagkwentuhan na parang walang pasok kinabukasan.

Umuwing naghihingalo. Hindi narin nakahilamos, nakapagtutbras at nakapagpalit ng damit, derecho tulog na suot ung natuyong damit.

Kasama sa ka-busyhan ang paghahanap ng bahay na malilipatan...

"HDB rental fee in Singapore nowadays is not reasonable."

May tama si kaibigang Dyowel nung ni-tweet niya ang mga katagang yan.
Gusto kong tumambling sa nagmamahalang renta sa Singapore, hindi naman ganun kaganda ang bahay.
Parang kung pwede lang maglatag ng karton ng Lucky Me at Chippy sa kalye at sa ilalim ng mrt, ginawa ko na.
Buti nalang mabait si Bro dahil binigyan Niya kami ng mabait na owner.
Ni-extend ang same rent with open contract sa haus hanggang September, tapos hindi rin minamadali na umalis kami -- kung nakahanap ng lilipatan by March, sabihan siya; pag hindi, pwede pa mag-stay. Woopee!! :)

Pero kelangan parin mag-box ng mga gamit. Haist...
>__<

life in singapore

Previous post Next post
Up