Yep, you read it right! Hindi ka namamalik-mata or nasasapian.
May naganap talagang meeting kagabi at kailangang may minutes para sa benefit ng mga hindi nakadalo. :)
Sabi nga, daig ng maagap ang masipag, kaya as early as now, nagpatawag ang aming Pangulo (na naka-datcom na) ng isang pagpupulong upang pag-usapan ang agenda ng nalalapit na Christmas Party. Kami na ang early bird(s).
I. Attendance
Present:
Gasul Dyowel Tago (
http://www.tagofabic.com) *ayaw ma-link e*
Jaki
Leona Absentees:
Pajay - mesakit
Sam - naka-MC at kakagising lang
Saints - try sumunod dahil may ibang lakad
Antoni - nightshift
Jepoy - nasa Paris
Che - nasa Taiwan
Rob - hindi makakadalo pero nagpapabalita
Fej - hindi nagreply haha
II. Kris Kringle
- Unang napagkasunduan ang October($10), November($10) at December($50) sa kadahilanang PARA MAGKARON NG CHANCE NA MAKAPAGKITA-KITA ATLEAST ONCE A MONTH. :)
- Ngunit tinignan ang tala sa googledocs [pasensya diko mahanap ang link] at binilang ang boto. Hindi pwedeng dayain, nanalo ang ONE TIME BIGTIME exchange gift. So how ah?
- …At nagliwanag ang mga mata Presidente at nagkaron ng isang bright idea na sinang-ayunan naman ng mga umattend:
- Magkakaron ng Kris Kringle. Walang codename. Walang bunutan. Free sumali kung sino gusto sumali. Magdadala lang ng regalo based sa “theme”.
On the day nalang magkakarambola.
Proposed Date: Last week of October
- Sa mismong date ng Christmas Party, dito magkakaron ng bunutan. At dahil may intelihenteng photographer tayong miyembro, na itago nalang natin sa pangalang “Tago”, gagawa siya ng isang mobile app na pwede naten ma-download sa App Store at Android Market na pagka-click naten makukuha na ang pangalan ng ating ‘baby’.
Tayo na ang high-tech!!!
- Kris Kringle Theme:
*snagged from Gasul's instagram*
III. Petsa
Kris Kringle(s) - Preferably last week of October and November
Christmas Party - 1st week or 2nd week (Dec 2 or 9)
*Note: Pwede pa mag-suggest dito kung anong okay na date sa lahat :)
IV. Food & Games
- Magkakaron tayo ng mga palaro at ang ating Game Master, ay itago nalang natin sa pangalang “Tago”.
- Dahil undying request ng Pangulo ang awarding, gagawa ulet ang ating intelihenteng game master ng poll para bumoto sa kung anu-anong categories (e.g. Love Team of the Year, Darling of the Press, etc.). Gagawaran ng shining-shimmering-splendid-sash ang mananalo per category.
- Iniisip na magkaron ng pa-raffle (pede rin Bingo) pero yung pang-payak na mamamayan lang na mga bagay, halimbawa, 2.5kg na Fab detergent soap, 1L na Softlan, 3-in-a-pack na Dettol hand soap, Buy 1 Take 1 Colgate, etc.
- Gusto rin na magkaron ng Loot Bag/Goodie Bag. :)
- Naiisip din na gawin itong isang Costume/Themed Party. (wala pang idea kung ano specifically. Pede mag-suggest kung may naiisip kayo.)
- Either CONTRIBUTION or POTLUCK, depende kung san mas comfortable lahat.
V. Place
OPTION 1: Hotel na may 70% discount ang Pangulo (Sentosa Resorts Spa, Scarlett, Naumi)
OPTION 2: Chalet (Costa Sands @ Pasir Ris)
OPTION 3: Thru groupons ng Malacca, Pulau Ubin, Bintan, Batam, or JB
*Note: Still open for suggestions :)
VI. Sample Programme
- Registration
- Lupang Hinirang at Panatang Makabayan (wala pang volunteer dito)
- Opening Prayer c/o Jepoy
- Opening Remarks c/o Gasul da President
- Induction of 2012 Officers (except President’s post. Martial Law kasi, siya parin ang Pangulo next year!)
- 1 or 2 Games
- Pig-out
- Games ulet
- Exchange Gift
- Raffle
- Closing Remarks c/o Gasul
Masters of Ceremony: Leona & Fej
---FIN---
Hindi halatang mashado kaming organized haha.
Na-egsayt na’ko tuloy!!! :)
P.S.
Kung trip pala manalo ng magagandang items, sali
dito .