Quick Post

Jul 01, 2011 06:04

July 1. Ginawang holiday ng opis ang araw na’to in lieu sa Labor Day last May kasi andami daw holidays at walang pasok nung Mayo. Abuso na daw kaya nilipat ngayon ang bakasyon. Ayos na rin dahil tamang-tama sa paglalakwatsa, walang kasabay na madaming tao.

Papunta akong Tioman ngayon. Masaya dahil makakapaglagalag na naman after ilang months pero naiinis dahil ayaw lumabas ni *red day*. Pano ko magsnorkel? Baka maamoy ng pating na babae pala ‘ko tapos sakmalin nalang niya ko. Ayoko mamatay na malasog-lasog. :(

Semi-sad din kasi I'll be missing another get-together-slash-luto-lutuan-session with fellow bloggers. I've been absent for two consecutive meetups already.

Ako na busy. Ako na lakwatsera. Sorry naman. @.@

life in singapore

Previous post Next post
Up