Sep 24, 2007 19:34
Salinawit ni Pete Lacaba ng kantang "That's All"
Tunay na pagmamahal sa habangbuhay
'Yan lamang ang aking maiaalay
At ang tanging puso ko'y nakalaan sa 'yo
'Yun lang, 'yun lang
Alay ko sa 'yo'y pamamasyal sa araw
At kamay na kakapitan sa ulan
At mainit na dibdib sa gabi ng taglamig
'Yun lang, 'yun lang
Ang iba ay maraming pangako
At handang ibigay ang mundo
Tunay na pagsinta at pagsuyo
'Yan lang ang maihahandog ko
Kung pangarap ko ay nais mong malaman
Ang isasagot ko'y simple lang naman
Basta't sabihin mong ako, ako lang ang mahal mo
'Yun lang, 'yun lang
Muling namuo (at tumaba pa lalo) ang pira-piraso kong puso nang marinig ko ang kantang ito.