Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay..
Masamang mainggit.. Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Mommy. Pero kanina, 'di ko napigilang 'di mainggit sa mga fans na nasa HK airport para salubungin ang JUMP. Sobrang sakit naman! Konti lang yung pictures ni Yuri pero nakangiti at kumakaway siya sa mga 'yon. Naalala ko tuloy trans ng [Haina!]. Alam kong pangarap mo yan para sa grupo nyo. Omedetou! Alam kong magiging successful yung concert nila. Syempre, Hey! Say! JUMP yan eh. ^_^v
Kahapon, nagdelete ako ng VS Arashi vids kay Yu-chan (external HDD), at Arashi & NEWS cons.. Mapupuno na kasi siya.. Di ko naman kayang bawasan JUMP files ko kahit doble/triple na yung iba dun. Ang itinira ko lang na VS Arashi ay nung guest sina Yuri at Ryosuke. Siguro kaya nakaya ko ring idelete mga yon kasi 'di ako nag-aadik kay Riida ngayon. Magddl na lang ako ulit pag namiss ko si Riida.. XD Waits!! Yung Pirates of the Caribbean 1-4 at SAW 1-7, 'di ko magawang idelete! May tama pa rin ako kay Captain Jack Sparrow.. At favorite ko pa rin talaga ang SAW. Naiyak pa nga ako sa last installment nun. Ang galing kasi! :]
Nung May 17, nagkita-kita kami nina Zel at Sele sa 7eleven sa Baliuag. Akala ko 'di ako makakadaldal sa kanila dahil sa tagal naming 'di nagkita at dahil wala akong maisip na pwedeng ikwento sa kanila dahil puro lang naman ako Yuri Chinen (ano'ng bago? XD)... Pero ganon pa rin pala 'ko nung magkakasama na kami... Tulad pa rin nung hs palang kami. Maadik. :) Sinamahan nila ako sa BU para mag-inquire. Nung nakaraang gabi, naitanong (text) ko na kay Sele lahat nang itatanong ko sa kung sinuman makakausap ko sa BU. At dahil wala pa akong tulog nung 16-17, si Sele na kumausap dun sa babae sa dulong office ng BU.. Bangag kasi ako..XD Pero ung sa Japanese language class, ako yung nagtanong. Yun talaga nasa isip ko mula nung nalaman ko kay Sele na merong ganun dun. Ano nga ba sunod na nangyari? Ah! Hiningan kao ng TRO. Sabi ko wala pa po. Hingi raw ako sa school ko. Sabi nung dalawa, eh di punta raw kami sa AICS.. Ayaw ko pa nga nung una dahil.... Pero nagpunta na rin kami. At tama ako, maiinis lang ako pag nagpunta dun. Pag-akyat namin sa 2nd floor, sa teritoryo ni Mam something, nagulat ako dahil andun yung dati naming admin.. Yung magaling naming admin na 'hinamon' ako sa java. LOL. Nagulat lang ako at nagtaka pero keber na. Di pa ko tapos sa sinasabi ko kay Mam something nung umirap siya at sinabi sa 'kin na ANTAYIN PA NGA YUNG EXAM SA TESDA. K fine. Dahil sa pagod at inis ko, nag-okei lang ako sa kanya, nagpasalamat, sabay aya sa dalawa na umalis na. Kabadtrip. Hahaha. Sa hagdan, nakasalubong ko yung current admin at siya yung kinausap ko. Ang haba ng sagot niya sa isa kong tanong. Di ko tuloy maitanong yung susunod. Kinausap nga rin nung admin si Zel. Nagyayabang. Alam ko ugali ni Zel kaya alam kong nainis siya nun. Hahaha! Nainis man ako sa admin. XD Ano nangyari sa lakad namin? Naexercise ako. :D Nagpunta na kami sa Super8 nun para bumili ng kakainin namin sa knielle gath kinabukasan. Nag-enjoy naman ako sa pagtulak ng shopping cart dahil tatlo kaming magkakatabi nun at feeling ko Yoku Asobi Yoku Manabe PV yung ginagawa namin. (wala nga kasi akong tulog) Kumanta pa nga ako ng YAYM habang nagtutulak (ng shopping cart). Ang baliw, grabe. Si Sele naglagay ng Champion (sabong panlaba) sa cart. Akala ko papapakin niya sa meetup namin. Ititinda niya raw yun sa mga kapitbahay nilang baka at kambing sa tumana. After mamili sa Super8, pupunta pa si Zel sa Save More ata pero nauna na ko umuwi dahil malapit lang sa Super8 yung sakayan papunta sa 'min. (at masakit na rin paa ko dahil naka-chiinelas ako nun.. di ako sanay sa mahabang lakaran nang nakaganon.. at wala pa nga kasi kaong tulog.. at ang init kasi.. di maubusan ng dahilan..hahah) Pagdating ko sa bahay, nagsumbong ako sa lola ko tungkol sa ginawa sa 'kin ni Mam. Di ako pinansin! Nyahaha! Ang pinansin niya at kinainisan ay yung tungkol nga sa pagtatransfer ko. XD
Kinabukasan..
May 18, 2012 10:00am
Nasa bahay pa ko nyan syempre. Pero ganyang oras ang usapan na magkikita-kita sa bahay nina Zel. Ako talaga! Tsk.. Na-late lang naman ako ng mga 15 minutes? Di ko nga alam kung nakatulog na ko nung nakaraang gabi or hindi. Wala akong maalala! Dumating nga ako kila Zel (mahal ng singil nung trike driver.. pasalamat siya nakalimutan ko kung magkano pamasahe at nalaman ko lang na mahal nung pauwi na ko samin dahil kasabay ko si Anne..) at nakita ko yung tuta niya na malaki na. Tinatahulan ako. Yung aso nilang si Jumpy-Jumpy (Betty sa totoong buhay.. tinawag ko syang Jumpy-Jumpy dahil talon siya nang talon nung una naming pagkikita.. at nakakatakot pa siya nun.. pero di pa ako fan ng JUMP nun..) ay tahimik dahil matanda na. As expected, wala pa rin si Anne. Sabi ni Zel, chinecheck pa raw ni Anne yung hinihingi nyang files. Ano nga ba ginawa namin habang iniintay si Anne? Nagpalit ng damit si Zel twice, nagsukat ng hats, pinakita sa 'kin yung stuffed-animal na creepy daw pero nacute-an ako... Ano pa nga ba? O.o After 2 weeks, dumating din si Anne at nakaalis din kami papunta sa hacienda nina Sele. ^_^v Kagitingan Street yung kila Sele kaya natawa ako nung tinanong ako ni Zel kung Katarungan ba yung kila Sele.. or was it the other way around? Hala nakalimutan ko na rin! XD
Yosha!! Nakatulay ako sa kawayang tulay! Ang tagal kong tumatawid pramis! Ang taas kasi tapos umuuga at sa isang side lang yung hawakan. Pambihira. Alam namang takot ako sa mataas. Nakakatakot! Nung pauwi nga kami medyo mabilis na yung pagtawid ko kasi naexperienced ko na. Pero patagilid pala dapat at hindi paharap yung paglakad sa kawayan. Kasi naman si Ryosuke lang ginaya ko nung sa SUMMARY no! Malay ko bang may technique pala sa pagtawid? Nyahaha~ Pero nung una talaga muntik na ko umiyak.. Pinigil ko lang kasi mainit.
Foodtrip kami kila Sele. Ah pagdating pala namin sa bahay nila after mga 3weeks na paglalakad sa tumana, nagkwento si Nanay (ni Sele) nang tungkol kay Ate (ni Sele).. Maluha-luha siya nun at gusto ko siya icomfort pero di naman ako sanay magcomfort kaya nakinig na lang ako. Pero pramis hindi pumasok sa isip ko yung salitang move-on. Matino naman ako minsan yo! May pagkasensitive din naman ako. Eh de foodtrip nga kami dun sa dating pwesto sa bakuran nila. After kumain, ipapakita samin ni Sele yung 'firetree' malapit sa kanila pero di sya sure kung firetree daw yun kaya nga ipapakita samin. XD Inikot nya lang kami sa bakuran nila imbis na dumaan sa shortcut.. Sya ata ang walang tulog. :DD Syempre hindi firetree yung pinakita nya samin. Plant yun eh! Naglakad-lakad kami sa hacienda nila pagkatapos nun. Buti hindi umulan. Pinuntahan ulit namin yung puno (nag-aya ako dun) na pinagsabihan ko raw ng secret nung una kong punta dun at sinabihan ulit nung ikalawang punta. Sabi ko kay Sele, wala akong maalalang secret. Pero natatandaan ko na isinigaw ko dun na mahal ko si Chinen. Secret ba kako yun. Eh buong angkan namin alam na gusto ko si Chinen..XD Pinicturan ko ulit sila sa tapat ng puno na yon dahil may picture din sila dun last year.. Same poses.. at andun si Sadako. :DD Wala talaga akong balak magsabi ulit ng something dun sa lugar na yon pero nagpahuli ako ng lakad at sinabi ko pa rin sa huli na, "Chinen, daisuki!" Iba yung pakiramdam nung sinabi ko yun.. Para bang last na punta ko na yun dun.. Hahah. Hindi kasi pasigaw. Ako nga lang ata nakarinig nun. :D
Nag-uwi kami ng avocado. The end. Yung pics kasi ang tagal iupload ni Anne kaya ngayon lang ako nagkwento. Gusto ko sana may pics na kasama 'tong entry ko. :|
Kahapon ulit, nag-usap kami ni Mommy. Pinagalitan ako nung sinabi kong try kong magcommute muna sa 1st week ng klase sa Caloocan. Sa BU na lang daw ako. Sabi ko mahal dun. Ganon din daw yung gastos pag namasahe ako araw-araw + pagod pa ko + walang masyadong freetime. Oo nga naman. Sayang. Ang saya ko pa naman nung sinabi sa 'kin ni Meg na mag-aaral din siya sa Caloocan.. Kasi may kakilala na ko. Tapos ako pala ang di matutuloy dun! Hahah
Speaking of BU, nasa Eat Bulaga (Pinoy Henyo) yung BU kanina. Nakita ko nga hs cmate kong si Joanna. Waits, yun nga ba name nya? Wala namang pinag-iba ichura niya sa tv at sa personal. Nung nasa SiS kasi kami, nakita ko sarili ko sa tv dun sa studio (live broadcast) at ang puti ko kaya nagulat ako. XD
Antok na antok na ko kanina tapos nung nitatry kong matulog, parang may kumalmot sa binti ko kaya sinipa ko kung anuman yon tapos bumangon ako agad.. Imagination ko lang ba yun? Dry naman kasi skin ko tapos walang marks na may kumalmot kaya imagination ko nga siguro? Nananaginip na ba ko nun? Pero naririnig ko pa nga yung ipod. Pag malapit na ko makatulog, pinapatay ko yung ipod eh. Whats desu yo?
Punta pa ko sa LBC mamaya kung magrereply agad ung bibilhan ko ng old mags.. Tinatamad nga akong umalis. Pero di ko na yun maasikaso pag-uwi ni Mommy kaya bukas na dapat! May pambayad ako ng mags pero wala akong pangload at pamasahe.
Ang init naman! Ano ba ung sa cm ng Meralco na 5pesos na lang isang oras na aircon? Hulugan parang video game? O.o Naglaro nga pala kami ng Mario Party 8 sa Nintendo Wii kanina. Kainis naman laging talo ng Com.! Di tuloy mabuksan yung dalawang characters at stage ni Bowser. (Di naman ako adik sa Mario pero Mario characters yung mga icons ko sa desktop..XD) Basta cute si Toadette! Pink!
Naglilihi ako. Gusto ko ng dried mangoes!
(Tinatamad na kong basahin/icheck tong entry ko kaya bahala na ung mga typo at kung anu-ano pang errors..)
Kung kailan naman may tag na ako para sa mga panaginip ko, saka naman ako di nananaginip (Chinen-related)..