This. Epik Friendship.

Apr 27, 2010 16:32

It's not everyday that you get to have a break from everything that spins around your world.  Nakakapagod din naman talagang maglakad dito sa mundo araw-araw e...minsan, alam mo kung ano yung gusto mo pero mas madalas, hindi mo talaga alam.

Masaya ka naman, alam mo yun.  You do not deprive yourself of the happiness that you deserve and well, being raised by good parents and had your education on well-known highschools and universities, you can pretty much say that you are happy.

Pero minsan, hindi mo naman maiwasan mapasok sa isang sitwasyon na magbibigay sa'yo ng problema--gustohin mo man o hindi.  At yung mga minsan na yun ay madalas maipon ng maipon ng maipon hanggang sa hindi mo na pala kaya.  Hindi mo lang alam...or hindi mo nalang inaalam para masabi mo sa mga tao na...ok ka.  Strong ka e.

Tapos, dadating ang isang pagkakataon na babaliktad sa mundo mo.  Hindi mo man expected, pero yun ang mas maganda e...yun ang mas exciting--yung hindi ine-expect.  Kabog nalang sa dibdib pag andyan na :D  at kahit konti lang ang oras (kasi nga, biglaan lang yun at minsan lang talaga), masasabing mong SOBRANG SULIT na nangyari ang pagkakataong yun.

At ngayon, katatapos lang ng event na yun sa buhay ko (:  nakasama ko at nabuo ang ANGKAN...sa tinagal-tagal naming hindi nagkita.

Pare-parehas na ata kaming may mga dinadalang bagahe sa buhay...hindi nalang ata namin nire-recognize kasi nga, feeling strong.  Hangga't kaya, sige lang...itikom ang bibig.  At talagang ang ganda ng timing ng yaya ng buong ANGKAN (:  at masaya ako, na lahat kami ay nag bigay ng oras para matuloy lang ang hindi ine-expect na pangyayaring ito (:

I LOVE YOU, GIRLS.


Jessica Nicole Aizelle Gracia

I was late.  Traffic sa Alabang-Magallanes.  What can I do, right?

I arrived at Gracie's one hour late (sorry T___T ), placed my things in order sa condo nila and then went straight to Gil Puyat to pick a bus going to Ayala Avenue.  Sa may Glorietta, lakad kami ni Grace to Landmark to meet with Jessica.  Tinaguan pa naman siya dahil well...bulag siya at hindi niya suot ang glasses niya that time >:D  haha!

Dahil gutom na si ate, punta kami foodcourt, hanap ng kakainan.  Kwentuhan galore...at picture habang wala pa si Nike.  Thank You, papa God, for self-timing cameras (:




L-R:  Gracie, Chem, Jessica (while at the foodcourt waiting for Nike and talking non-stop)
Malapit na mag-4:30PM.  We decided to go hear mass at Greenbelt.  When we arrived at the chapel, tawag si Nike.  She's already at the MRT - Ayala station at mag stay lang siya until 5:30PM.  Dito namin pinagana ang aming critical (and panicking) thinking para mag isip ng gagawin (at kakainan...NA NAMAN :D) dahil di pala namin makakasama si Nike until dinner.

Buti nalang...Nike was kind enough (haha!) to agree and go with McDo for fries and Coke (si NIKE pa, I know she wouldn't say NO to Coke [like myself!  Haha!]).  Kwentuhan na naman...pictures and all...may flash pa, so gulat face talaga :DDD


Hello, there...FLASH?
After our McDo, Nike had to say goodbye.  Pupunta pa siya sa wake ng lolo niya (condolences, couz).  So Grace, Jessica and I headed to Greenbelt to hear mass.  At sobrang bitter pa kami along the way because we could have worn shorts!  HAHAHA XD  us and our "compromising" minds :D  pero bago yun, dumaan muna sa Greenbelt 4 (sabi nga ni Jessica, "SOMEDAY." :D) then we heard mass.  After hearing mass, dinala nila (J and G) sa ALDO to break my heart, este to make me look at the shoes (haha! :D).  Ayun nga...reiterating Jessica's words--SOMEDAY.   Pag lumalangoy na kami sa kama ng pera <- ayon naman kay Paolo :D (na extra sa kwentong ito.  Haha!)

After the heartbreaking scene, we rode a jeepney going to WalterMart and then went to Amici.  I think that that is now my most favorite place in the world :D  good food to enjoy with very good friends (:  and Gracie is really very kind (but not to Pao XD) to give us a taste of her SGV & Co. hard earned salaryyy.  Hahaha.  That's what you get when you have work na daw--you treat your friends out >:D  lalo pa ako...work-less.  Haha!

Kaming 3:  pizza, pasta, mozzarella sticks, gelato, gelato, gelato at...isa pang (complementary) gelato from the manager!  Haha.  Dahil yan sa maganda kaming 3 :DDD  na aliw na aliw sa mga nakita namin :DDD  kung lalo ka ba nga namang sinuswerte, diba?



Gracie, talking to Pao on the phone.  And...our lovely food.  Yummm.


Gracie's gelato, Jessica's gelato and then mine! :D  the one in the middle is the complementary one :D

Busog na busog kami.  Sobra, we couldn't even walk.  Gaaah.  Good food with good friends, the best there is :D I could not ask for moooore.  And although Nike was not really at the dinner with us, she was still there...in her (our) own way :D


Us three, giving sugar lovin' to Nike <333
Bitin.  Pero we'd take anything just to get together again...kahit talaga with time constraints.  We miss each other THAT bad.  Grabe.

What started out as highschool friends has grown into a deep kind of friendship that doesn't need much words to express ourselves.  We are friends without explanations needed.  Yun yun e.  Ngayon na matatanda (umamin na kasi tayo :D) na kami, with our own lives, actually...the strong friendship still remains.  Through thick and thin and everything in between (:

Isang Certified Public Accountant
Isang BS Nursing graduate (VERY SOON to be Registered Nurse at US Registered Nurse)
Isang Behavioral Science graduate, Assumption College Guidance Counselor (oo!  Tanggapin natin yan!)
Isang BS Biology graduate (Future Medical Doctor)
Isang matinding friendship.

Photo credits:  fabricchromatograpy || Multiply
This.  Forever.  I love you, you and you. 

blurbs, birthday, friends, life

Previous post Next post
Up