002. There's this common thing between us. I call it 'love'.

Mar 15, 2011 17:06

A very special post, for a very special person



Dear Labs,

Ever since last week, I was contemplating on whether to make a monthsary video, letter, or something else. But then I realized 'Ah psh, bulok na yun, 'e. Nagawa na dati. Argh.' So here I am, desperate and clueless about what to tell you in this virtual letter. Should I tell you that I love you very very very much? (Nah, you know that very well na, 'e. :P). Well then, should I tell you that you're super duper cute? (Eh, ide-deny mo, 'e. Yun ang lagi kong ina-abang abangan. Lalo kang nagiging cute, 'e). Lastly, should I tell you that you're all I want for today, tomorrow, and the rest of my life? (Kaso, sasabihin mo cheesy ako, o kaya naman inaantok lang.)

.. Ganito na lang!

Since 10th monthsary naman na natin, I'll be listing 10 things, 10 things relating to you, me, and our relationship. :)

i.

Milk & Orange peel.
Weird combination isn't it? That's what we are, 'e. We're different worlds clashing altogether, but then here we are, happy and getting stronger day by day. Yung tipong, halos araw-araw na yung away kasi hindi tayo magkaintindihan sa sandamakmak na bagay, pero tingnan mo.. Ten months na tayo. \o/ Remember when I asked you whether you liked calamansi or lemon, para lang i-prove yung point ko na magkaiba tayo? Totoo yun. Mas pipiliin ko ang lemon kung tatanungin mo ako. Pero kung para sayo? Kahit calamansi juice pa sa pang araw-araw na buhay ko, gugustuhin ko. HAHA! Walang ibang makaka-gets nito kundi tayo lang. Apir. :*

ii.

Hollow blocks at semento sa pinakang ilalim ng isang mataas na building.
Yun bang, ikaw na lang yung lakas ko? :) Alam mo namang kung wala ka, lulubog ako. You're the only one who holds me up when I'm down, 'e. Sinasalo mo ko pag, alam mo na. Kaya mahal na mahal ko ikaw, 'e!

iii.

Kulay pula na M&M sa gitna ng napakaraming berde na M&M.
Iba ka, 'e. Kaya lakas ng tama ko sayo, noh? :)) Yun lang. <3

iv.

Kuryente ka sa isang building, at ako naman ang elevator mo.
Kasi, kung wala ka - down ako. :( Wag ka mawawala, okay?

v.

Nutella.
At ako naman ang tinapay. Kung wala ka, ang plain ko! Pag andiyan ka, siyempre - ramdam kong kompleto ako. That's how we go together, 'e. Yun bang, bagay na bagay ~ :-"

vi.

Cotton candy.
Sweet. :"> At kilig naman ako? :))

vii.

Crayon na kulay puti.
Hindi ko maintindihan kung bakit may crayons na white, labs. Para san sila? Anung kaylangan nila satin?; Ganiyan ang naisip ko, nung dumating ka. Bakeeeeeeet? Bakit mo ko Lord binigyan ng isang Adriane sa buhay ko? Anu kasi yan, 'e. Para bang box ng Crayola. Kahit pa hindi mo alam kung para san ba yang puti na yan, hahanap-hanapin mo parin. (Well, in my case, that is. Albeit not necessary, I'd be making sure there is that white nonsense in there to make my crayons complete). Get mo? Hindi makompleto buhay ko pagwala ka, 'e. :P

viii.

Super Duper Glue.
Dumikit ka na kasi sa puso ko. Ginusto ko nang tanggalin ka, 'e. Kaso, sadiyang madikit ka talaga, na kahit pa pilitin kong mawala ka, ako naman 'tong naiiwan na nasasaktan. Kaya ikaw, ha. Wag mo ko iiwan! >:)

ix.

Hanger sa sampayan (isama mo na yung mga panipit).
Ikaw na lang po kasi nagdadala sakin. At kahit pa tangayin ako ng hangin, ayan ka. Handa akong kapitan hanggang matapos yung bagyo.. (HAHA! Cheesy.)

x.

Ang buhay ko.
Adriane = buhay ko. HAHA! Kahit sinong mangmang sa Math, makukuha yan. Obvious naman, 'e. Ikaw ang buhay ko, isang bagay na mahal na mahal ko. :)

.. 'O yan labs ah, minsan lang ako maging ganiyan ka'corny. Damdamin mo na, okay? At anu pa kayang mukha ang ihaharap ko sayo matapos mong mabasa ang kacheesyhan ko? Ah, sheh. :|

Last one! 'Sa pa, ah? Bago man lang matapos itong long-ass entry na ito.



Yun oh.
(I love you! Bbbye! /Magpapakatago sa kailaliman ng mundo sa sobrang hiya sa kacornyhan niya.)

boyfriend, monthsary, pam being cheesy, lovelovelove!

Previous post Next post
Up