(no subject)

Feb 19, 2007 21:39


Kailan? 1 month nako nagwowork. Saan? Sa Starcom, a media company in Enterprise Center at Ayala. Under siya ng Publicis group. Same umbrella with Leo Burnett, Black Pencil and Arc. Ano? Media planner/buyer trainee. Sino? Ako nga eh.

Anyway, so far, so good.

Kahit na simula ng 3rd day ko eh OT galore na (nagrerange sa 7pm-9pm ang usual na uwi ko, one time 11:30 nako nakauwi!).
Kahit na 8:30am ang start ng work ko.
Kahit na nagkakasabay-sabay ang trabaho.
Kahit na minsan ay late na talaga ako naglulunch kasi me hinahabol na deadlines.
Kahit na information overload nako minsan sa mga softwares na tinuturo at sa mga documents na ginagawa.

Masaya kasi ang dami ko talagang natututunan. Masaya rin na ang hectic ng buhay ko kasi kahit papano naman ay productive naman.

Ano na nga ba ang mga nagawa ko? Marami na. 
-paggawa ng prototype TV plan para sa presentation sa client
-paggawa ng competitive report ng ice cream, coffee, milk and butter categories.
-magmonitor ng print ads ng competitors ng brands na handle ko.
-gumawa ng TV monitoring report din
-gumawa ng cost estimates at mag realign
-gumawa ng call reports (parang minutes of the meetings lang)
-gumawa ng closure report
-magpadeliver ng kung anik-anik sa clients
-mag evaluate ng proposals at makipag negotiate (tawaran) sa mga suppliers
-magmonitor ng event
-umattend ng event ng suppliers [eg: heart (ang dating k-lite), studio23]
-gumamit ng mga softwares tulad ng arianna, printscope, catalyst (telmar) at miser
-tumawag ng sangkatutak na tao sa isang araw 
-umattend ng mga presentations ng mga suppliers/networks
-tumanggap ng mga freebies galing sa mga suppliers
-makanuod ng advance screening ng The Holiday
-makakilala ng mga AEs ng TV stations, radio stations, publications, etc.

the list goes on and on. Happy naman ako so far. haha! sa tingin ko okay naman ako sa work ko.

Ano ba hinahanap ko sa trabaho? Challenging yet fun and fulfilling. This is it! 
Tsaka gusto ko sa isang company is one that invest in their people, Starcom yun!

Sige antok nako. Zzzzzzzz.......

Previous post Next post
Up