Oda sa TakotSir Reuel Aguila
Takot ako sa maraming bagay
Sa sarili at lipunan
Tulad marahil sa tikbalang
Ng karahasan at aswang
Ng pang-araw-araw na kahirapan
Tulad ng pagtanda at puting
Buhok, nakapanghihilakbot
Ang katotohanan, nakakatakot
Ang kasalukuyan
Natatakot ako sa anino at dilim
Ng sarili’t lipunang maraming lihim
Na pinagdaanang di na maibabalik
Ngunit sabik na maituwid
Ang lahat
Natatakot ako sa sakit at pasakit
At mga bakit, sa di masagot
Na tanong ng buhay na masalimuot:
Pag-ibig, pag-gradweyt, korupsyon
Ipon, baon, presyo ng bilihin
Sakit sa ngipin, patalim, torture
Body odor, alimuom, imbistigasyon
Ulan, baha, abduction
Damit, porma, gutom
Basura, hold-up, tong-pats
Trabaho, desaparecido, sweldo
Dayaan, kidnapan, demolisyon
Manipulasyon, traffic, pimples,
Charter change, marami pa…
at sa futureNatatakot ako sa takot mismo
Ng aking pagka-ako
Ngunit aanhin ko ito?
Sa takot ako nagiging tao
Sa takot ako natututo
Na sumigaw at manindigan
Sa hamon ng buhay
Natatakot ako, kayat lumalaban
+para kay mix
Ang galing lang nito. Sana nga makayanan. Hindi madali, pero kailangan paghirapan.