Sep 28, 2005 18:45
i'm being emotional again. i don't why.. i just probably miss my baby so much.
nagsimula yun kahapon, iniwan niya ko sa classroom ko dahil magrreturn demo ako sa ncm. tapos sabi niya pupunta lang siya sa excel para magpalamig. sabi niya hindi siya maglalaro.. after 30 minutes, pinuntahan ko na nga siya sa excel tapos nakita ko siya na naglalaro.. so na-disappoint ako. eh kasi nag-iipon nga kami eh, naglaro pa siya. hindi niya tinatago ang promise niya. tapos hindi ko siya matawag dahil ang layo ng pinaglalaruan niya nasa looban pa eh ang daming tao sa unahan kaya umalis nalang ako. tapos pumasok nalang ako sa next class ko. eion, syempre hindi kami magkikita dahil ang class ko nun ay 4pm eh ang class niya ay 530 pa. kaya yun nagkita nalang kami nung pagkadismiss nila. galing kaming jollibee asturias para kumain ng dinner tapos mga 7pm bumalik na kami ng school kasi may klase narin kami ng 730. eion, nakasalubong ko si jeremy. nagulat ako dahil maaga silang na-dismiss. tapos nagkitaan na nga kami ni jhaz, sinabi niya na nagkayayaan ang mga classmates para mag-inuman. eh syempre labag sa looban ko yun dahil gabi na at maaga pa ang pasok niya kinabukasan tapos may sipon pa siya.. hay nako.. basta nagkaroon kami ng petty argument kagabi. kaya hinayaan ko nalang siyang uminum kasi na-bad trip na ako nun eh. wala narin ako sa mood makipag-argue. sinabi ko nalang na "umuwi ka ng maaga" tapos sabi niya, hinahanap niya ko sa sizzling (tambayan namin) pero wala daw ako dun.. eh sabi ko, "diba may klase ako? bakit, hindi mo ba alam schedule ko?" wala lang, nakaka-disappoint nanaman kasi 2months na kami, malapit na matapos ang sem tapos hindi pa niya alam yung schedule ko.. ewan ko kung anu yung magiging feeling ko nun eh. eion, nagpaalam nalang ako sa kanya at sinabi ko sa kanya na umuwi nalang siya ng maaga.. bad trip talaga ako last night..
this morning naman, pumasok ako ng maaga para makita at makasama ko siya kahit saglit lang. kasi wednesday ngayon, parati siyang pinapauwi ng parents niya ng maaga kapag wednesday dahil may inuutos sa kanya. eion, pagakyat ko ng classroom nila, nagulat ako at walang katao-tao. so bumaba ako at nagpunta akong excel, nagbabakasakaling nandun siya at naglalaro pero wala so balik nanaman ako ng school wala talaga, kahit yung mga classmates niya na kakilala ko. kaya i decided na umupo nalang sa kahoy na upuan sa may lobby. hihintayin ko nalang na bumaba sila. buti nalang bumaba si johanne at least may kasama na akong naghihintay. dumating narin si bryant, wala parin si jhaz. tapos bumaba na sila, nasa 4th floor pala sila.. eion, nung pagkita ko sa kanya, parang hindi siya happy na makita ako. the typical kiss sa cheek kapag nagkikita kami. wala akong naramdaman dun sa kiss niyang yun. tapos nagpaalam nanaman siyang aalis sila nila jeremy (yung classmate niya) maghahanap daw sila ng place na pwedeng magpa-bookbind para sa health care nila. tapos sinasama niya ko eh hindi pwede dahil may class ako ng 1. tapos tinanong niya ako kung anong oras niya ako babalikan, sabi ko sa kanya na may class nga ako (again, hindi nanaman niya alan yung sched ko) so sinabi ko nalang na umuwi nalang siya pagkatapos ng lakad niya. medyo na-bad trip nanaman ako.
tapos kaninang dismissal, mga 5, nakita ko si jeremy. tapos hinanap ba naman niya sakin si jhaz. sabi ko sa kanya,"di ba kayo ang magkasama? bakit hindi mo alam?" eion..na-bad trip nanaman ako.. argh! i hate myself!
ewan ko ba, i think it's just me who's acting this way. hindi ko nga maintindihan sarili ko eh. hindi ko alam kng bakit ako nagkakaganito. ayaw na ayaw kong nabbadtrip ako dahil may tendency akong maging taklesa eh which is not good. kasi kapag sobrang bad trip na talaga ako, hindi ko narin minsan naccontrol ang sinasabi ko.. hay grabe.. buti nalang may lj to burst out what i'm feeling right now. hindi ko alam kung tatawagan ko siya mamaya after kong mag-internet.. ewan ko.. bakit ako nagkakaganito!? argh! i hate myself!!!!