Aug 20, 2005 21:09
heheh! wala lang... masaya lang ako..
kaninang umaga nung hinatid ko si jhaz sa health ethics class nya, nandun si kuya armand, yung classmate niya.. tapos sabi niya, "may sasabihin ako sa inyo. pero ikaw jew, wag lalaki ang ulo ah.." tps sabi ni kuya armand, "jhaz, wag mo na siyang pakawalan.. basta, iba kasi ang aura niya eh..kung pinakawalan mo siya, loss mo na talaga yun, hindi sa kanya."
nung narinig ko yun, sobrang natuwa ako! hehe.. nakaka-touch kasi sa tulad na tao ni kuya armand na hindi ko naman ganong kakilala and hindi ko ganong nakakasama, it's very flattering for him to say that.. wala lang..
sana nga si jhaz na yung last ko. naisip ko kasi na nakakapagod din palang magmahal.. kaya nakakapagod kasi binibigay mo ang buong pagmamahal mo sa isang tao tapos parang ibinasura lang niya (ehem! sana may matamaan! yan ay kung mabasa niya toh!).. pero si jhaz, i'm sure and confident na hindi niya ako lolokohin.. nararamdaman ko eh.. di tulad nung dati! haha! (sana lang talaga mabasa niya toh!)
tapos nung thursday naman, nagkasalubong kami ni gem, eh kasama niya si khiel. tapos si khiel, first time niyang nakita si jhaz at ako magkasama.. tapos sabi sakin ni gem na sabi ni khiel, "bf ba niya yun? bagay sila!" wow, grabe! nakakatuwa talaga!
tapos si dom naman, sabi niya na magkamukha na daw kami ni jhaz.. tapos ang tawag samin ni dom, prince and princess chubby oh diba? kaya yun ang name namin sa isa't isa sa mga celfone namin.. hehe! anu pb? hmm...
masarap pala ang feeling na ang bf ko ay schoolmate ko din kasi may naghihintay sakin after class.. may naghihintay saking dumating.. yung ganon.. hehe! wala lang..