sa puntong ito...

Jul 17, 2006 20:38



Nasa punto na naman ako ng buhay kung saan hinahayaan ko na lang mangyari ang mga bagay bagay.. napapagod na rin ako siguro sa kakahabol sa mga tamang oportunidad, sa mga taong alam ko namang walang pakielam sakin at sa mga panagarap na hindi ko pa rin natutupad.. hindi ito punto kung saan titigil na ko sa pagkakaroon ng pag-asa, ito yung punto na ayoko ng subukang kontrolin ang mga bagay bagay na alam ko namang hindi ko hawak.. o punto kung saan binibigyan ko ng pagkakataon na dalhin na lang ako ng hangin kung saan niya ko gustong pumunta.. masyado ko kasing ninanais na may maabot na.. sa sobrang pagnanais humahantong na lang ito sa kabiguang maabot yon.. iniisip ko na rin siguro na baka may ibang plano para sa akin.. baka mali ang hinahabol ko o baka naman hindi pa tamang oras para asamin ang mga ganoong bagay.. kahit ano pa man ang dahilan, susubukan ko na lang gawin ang mga bagay na kailangan tapusin, mga bagay na dapat mas tuunan ko ng pansin.. Hindi ito pagsuko, binibigyan ko lang ng pagkakataon ang aking sarili na hayaan ang panahon, ang oras at ang aking kapalaran na magbigay sa akin ng direksyon.. Hahayaan ko na lang na buksan nila ito sa aking harapan at sa panahong mangyayari iyon tatanggapin ko siya ng buong puso, walang pag-aalinlangan.. dahil sa puntong ito ng aking buhay ang isip ko’y naglalaro, naghahanap, nanlilinlang..

--dalisay liwanag

3:59 pm 07/17/06
Previous post Next post
Up