tindahan ni ate sing

Jun 09, 2007 18:00

para sa arcade at arcadia

mababaw ang kaligayahan naming magkakaibigan. mahilig kaming tumambay sa arcade at ubusin ang misteryosong paninda ni ate sing. kami ang nagpasimuno ng pancit canton meal na nahiligan ng mga ibang mamimili. sa halagang P17 ay puwede kang magpaluto ng pancit canton of your choice (ako sweet and spicy, dati calamansi flavor), haluan ng nilagang itlog (P5) at buhay ka na sa mga panahong gutom ka't walang pera. hahaha minsan nagluluto din si ate sing ng egg sandwich (ako lang ata kasi umo-order nung nagbaba-bar review ako) at minsan nag-iinit din ng de lata na puwedeng dagdagan na lang ng isang order ng rice sa khas.

ang tindahan sa arcade at puwede ring check-in counter pag madaming dala at may kailangang puntahan saglit, kunwari SC. puwede ring western union bank dahil maaring magbilin o magpadala ng pera sa kaibigan sa pamamagitan ng pag-iwan ke ate sing. puwede ring gawing org tambayan kung hindi pa nabibigyan ng vinzons (ang naging experience nga lang namin dati sa sappho, lahat ng pumupunta napapagkamalan kaming lesbians lahat haha). maganda ring study nook (mula day 1 ko sa law school hanggang bar review, dito ako nag-aaral... ito ay isang hangout actually ng mga law students, dalawang abogado na rin ang na-produce haha). puwede ring neutral meeting place para sa mga orgs, magkakaibigan, etc.

paminsan-minsan kami ang nagiging endorsers ng mga paninda ni ate sing. sabi ni udit noon, sinubukan niyang kumain ng crossini dahil ayon kay ate sing, "masarap daw sabi ni anna." nung may nagpabenta ng soy milk sa kanya, kami ni debbz ang nangungumbinsi ng mga taong uminom din nito. pag may bagong tambay sa arcade at nagtatanong kung anong puwedeng kainin, kami ang naglalatag ng unwritten menu ni ate sing.

masarap magpalipas oras sa hapon sa arcade. minsan dumadalaw si mang rico, ang living coutnerpart ni levi celerio, at dito siya nagpapatugtog ng mga magagandang awit sa pamamagitan ng dahon bilang instrumento. dati rin tumatambay si khalid bin laden, isang famous campus personality dahil kung magsalita ay parang si R2D2. may puwesto rin dati si doy bres, pati ang kanyang mga aso, kung saan puwedeng magpagawa ng charcoal portrait sa halagang P300-P600. regulars din ang mga coach ng iba't ibang varsity teams sa peyups, at pati sila kumakain ng pancit canton. dati rin, madalas naming katambay ang mga tropang daga, o mga batang laking dagohoy na nakikipagbaraha at kuwentuhan sa amin.

kaya ang ibang kaibigan na malayo na ang inuuwian, walang paltos naglalaan ng ilang oras sa araw nila kung nakakapuntang UP.. at kaming malapit pa rin, ay halos araw-araw pa rin dumadaan at tumatambay kasama si ate sing.

***

THE INTERNET: CHANGING THE WAY WE DO 'PREROG'

pasukan na naman. dahil nagtuturo ako ng isang GE subject, malamang sa malamang ay may sasalubong na naman sa aking delubyo ng estudyante sa martes. sa 60 na estudyante ko last semester, kalahati nun ay mga nag-"prerog" -- o umasa sa discretion ng professor na tanggapin sila kahit dapat 30 students lamang sa isang klase.

last sem, kahit anong makaawa ko na wag magpadala ng mga kaibigan o kaklase para mag-prerog sa akin dahil sobra-sobra na sila sa klase, madami pa ring naghahabol ng slot. may isang lunes na habang naglalakad sa corridor ay sinasalubong ako ng estudyante kong naglalakad naman nang paluhod. nagmakaawa siya para sa brod niyang maki-kick out kung di ko tanggapin.

ang hirap nga lang pag hindi ka marunong tumanggi sa prerog - at nakupow, napakadaling lumambot ng puso ko pag pinakiusapan - eh bukod sa karamihan ng mga pinalusot na mga estudyanteng ito ay pasaway at di pumapasok sa klase at di sumusunod sa requirements, ako ang nahihilo sa dami ng tsine-tsekan. pero maunawain ako, dahil matagal akong naging estudyante.

nung isang linggo naman, nakatanggap ako ng ilang mensahe sa YM ko. parehong naging estudyante ko sa ibang subject... at ang taray! sa YM nagprerog at humihingi ng slot sa klase ko. ganito more or less ang exchange:

[student]: ma'am enuh... ma'am enuh... atty ma'am enuh...
ako:  yesssssss? bakit [student]?
[student]: ma'am, ask ko lang po kung ano sked ninyo this first sem sa socio 10?
ako: 11:30-1 pm at 1-2:30 pm
[student]: ok.... ma'am, puwede ba pong magprerog?
ako: ang aga naman! wala pang reg noh. at di ka ba mabo-bore? ako na naman?!
[student]: ma'am, hindi po. enjoy po yung class niyo. ma'am sige na :D
ako: bakla ka, pumunta ka sa klase ko sa araw na 'yun. dun ka magprerog. kamusta naman ang prerog via chat.
[student]: pero ma'am siguradong may slot po ako kung pumunta ako?
ako: hahaha. basta lumitaw ka sa klase ko. tignan natin. hehe
[student]: sige po ma'am punta na lang ako... thanks po...
ako: at parang awa mo na, wag kang magbitbit ng kaibigan o kamag-anak na kailangan din ng socio 10. sobrang dami ng estudyante ko last sem.
[student]: hehe. ma'am hindi po. promise. sobrang tnx ma'am!:D

basta ang policy ko ngayon, kahit kilala ko, lahat pinapapalitaw ko sa klase bago kong tanggapin.

... kasi may binabalak ako sa parating na first day of classes. isang talent at beauty contest ito! bwahaha

***

di ko pa rin nagagawa yung dream ko na sa 1st day of class, makikiupo ako sa mga estudyante ko at magpapanggap na estudyante din. (base sa feedback ng mga former students ko, walang naniniwala sa kanila pag tinuturo nila ko sa friends nila't sinasabing prof nila ko. hehe) tas pag naiinip na sila, magsisimula ang mga usap-usap tungkol sa prof na nakuha nila. ito ang palitan ng kuro-kuro at sabi-sabi ng mga kakilala nila. tas pag malapit na silang lumayas sa inip, saka ako tatayo at pupunta sa harap. hehe.

ginawa kasi sa 'min 'to dati nung isang prof ko back in my freshman year of college. sana magawa ko rin!

excited na 'ko sa first day of class. june 12, here i come! haha

***

galing antipolo for a spur-of-the-moment videoke session with xam, ibn, bosing, sarah and debbz. sayang pagod masyado si ice at cherish, buo sana ang gimik. hehe. it's a kickoff for the 1st sem/bar celebration for the arcadia gang :)

base sa naaalala kong kinanta ko kagabi...

oo - up dharma down
stars are blind - paris hilton (HAHAHAHA)
all over you - live
kung ayaw mo na sa akin - sugar free
what can i do - the corrs
to the moon and back - savage garden
the nearness of you - barbra streisand
better days - dianne reeves

***

haaaay. i murder dianne reeves' beautiful and inspirational jazz classic each and every time i attempt to sing it. haaay. but anyway, here it is. a beautiful song.

Better Days - Dianne Reeves

Silver gray hair
Neatly combed in place
There were four generations
Of love on her face
She was so wise
No surprise passed her eyes
She's seen it all
I was a child, oh
About three or four
All day I'd ask questions
At night I'd ask more
But whenever, she never
Would ever turn me away
No, no oh woah
I'd say how can I be sure
What is right or wrong
And why does
What I want
Always take so long
Please tell me
Where does God live
And why won't
He talk to me
I'd say Grandma
What is love
Will I ever find out
Why are we so poor
What is life about
I wanna know the answers
Before I fall off to sleep

She saw the smile
As she tucked me in
Then she pulled up that
Old rockin' chair once again
But tonight she was
Slightly, remarkably
Different somehow
Slowly she rocked
Lookin' half asleep
Grandma yawned
As she stretched
Then she started to speak
What she told me
Would mould me and hold me
Together inside

She said all the things you ask
You will know someday
But you have got to live
In a patient way
God put us here by faith
And by faith that means
Better days

She said, child we are all
Moons in the dark of night
Ain't no mornings gonna come
Till the time is right
Can't get no better days unless
You make it through the night
You gotta make it
Through the night
Yes you do
You can't get to no
Better days
Unless you make it
Through the night (baby)
Oh ho, you will see
Those better days
But you gotta be patient
Be patient, oh baby
Be patient

Later that year at
The turn of spring
Heaven sent angels down
And gave Grandma her wings
Now, she's flyin'
And slidin', and glidin'
In better days
And although
I'm all grown up
I still get confused
I stumble through the dark
Getting bumped and bruised
When night gets in my way
I could still hear
My Grandma say
I can hear her say
I can hear her sayin'....

videoke

Previous post Next post
Up