tropastig

Sep 01, 2006 16:02


nakakabasa ako ng mga entries tungkol sa mga nabuong pagkakaibigan o magagandang samahan bagamat nahihirapan sa mga ginagawa. nagtataka tuloy ako bakit hindi ko yata nararanasan, bakit kaya kabaligtaran ang nakukuha kong pakikisama. sa totoo lang malaki ang aking kasalanan sa aking grupo dahil aminado akong hindi ako agad naging komportable. hindi rin ako natuto ng mabilis. malas ko na lang, marami kasing kasabayan. hindi ko lubos pinahalagahan. naunahan kasi ng ilang. noong una sinasabi ko pa na normal lang naman siguro ang mga grado namin, mga baguhan lang kami, only to find out that we were considered as the least improving group of all. nakakapanood ako ng mga shooting ng mga ibang grupo, at nakikita ko ang komportable nila sa isa't isa. alam ko na "nag-gigigian" lang lang sila sa kabila ng inis at murahan at ngaragan. ang catch mahal ko ang grupo ko, mga kaibigan ko rin, hindi ko lang talaga naprioritize kaya hindi ako lubos nakapasok sa "samahan" na nabubuo. kaya madalas ako ang nahihiya, gusto kong sabihin na magaling din ang grupo ko. hindi man kami kasing bibo ng ibang grupo, sinusubukan namin umalis sa puwestong lagi naming binabagsakan, ang panghuli. kaya kahit wala man kaming entry sa catv awards, kasalanan namin yun, pero sinusubukan namin bumawi. ako lalo na, kelangan bumawi.
Previous post Next post
Up