The skies won't stop crying. I swear that I'm trying my best to segregate because Britesparks requires us to do so. I'm trying to minimize my paper usage, and I write and/or draw on the back pages now. What's up with Mother Nature? She hates me ever so much. :-|
I'm done doing my research and PowerPoint presentation for Realism. Buti na lang, matino-tino yung net nung nag-reresearch ako kundi mamamatay ako kaloload ng page. I love Art History, but I don't love grepang internet k. Salamat Inang Kalikasan, salamat.
Sabi ni Keith, kaya Mother Nature ang tawag kay Mother Nature, kasi katulad ng mga babae, moody ang kalikasan. Kaya naman naging Father Time kasi hindi naman puedeng maging moody ang time (kasi ang labo nun at ang tanga lang). Katulad ng mga lalaki, constant sila. Although, may mga moody rin namang mga lalaki. Pero generally, mas stable sila kaysa women. Sheks ang sexist ko bigla. XD
Kasama ko dapat sina Mai at Ranna ngayon. D: Pero ang jologs ko kasi hindi ko agad tinapos yung dapat ko tapusin para bukas. D:
-oOo-
Moving on to happier things...
Last night, Adre, Jeric, Joni, Hannah, Baj and I watched Last Supper no. 3 aka winner of Best Picture Award for Cinemalaya 5. :D
Props to everyone who made Last Supper no. 3 possible! :D I love the OBB and the songs, too. Joey Paras was an awesome actor, and can I just say that I love his job (being a PD, I mean)? :D Although mahirap nga namang maging assistant PD bilang kailangan mong maging maingat sa mga props sa shoot, masaya pa rin ang trabaho niya sa movie. :Dv
I like watching indie films because unlike the mainstream ones, indie films depict the actual events that are occuring in our society. Kumbaga sa art movement, parang Realism ang mga indie films (haha application ng lesson). I particularly love this film (Last Supper no. 3) because of how it honestly showed what happens in the Judiciary sector of the country behind closed doors. Grabeng bribery at kung anu-anong bayaran ang naganap, pero hindi pa rin exactly nakamtan yung hustisiya for both parties. Plus, ang tagal pa ng hearings e kung tutuusin, dahil lang naman sa isang telang hinabian ng remake ng The Last Supper ni Da Vinci kaya nangyayari ang lahat. :-|
The movie itself was humorous. 'Yun nga lang, kapag ilalagay mo na ang sarili mo sa kalagayan ni Wilson at Andoy, hindi ito isang nakatatawang bagay. Ganun din sa lagay nina Gareth at nanay niya. Hindi masayang maghintay ng matagal para sa isang bagay na hindi mo naman forever maisasabit sa pader mo. Hindi rin naman masayang mawalan ng isang bagay na sentimental sa 'yo. Pero actually, hindi ko rin magets kung bakit ang liit-liit lang naman ng tapestry na Last Supper no. 3 para singilin ng mag-ina si Wilson at Andoy. At meron ba talagang Last Supper images sa Saudi Arabia?
Amazing yung grasp ng kulturang Pinoy sa simula pa lang. Bumenta talaga sa akin yung karamihan ng families under class C ay may Last Supper images na naka-display sa bahay. XD ANG GALING KASI TUMPAK.
Sometimes, I find myself asking why some people aren't justified fairly. I think I know now. Kasi kahit mismo sa Judiciary sector ng pamahalaan, may nagaganap na dayaan, at ang pandaraya ay hindi kailanman naging synonymous sa hustisya. Gayunpaman, naniniwala akong darating din ang araw na mabubuwag din ang bribery. Kamownst!
Last Supper no. 3 was worth waiting for sa pilahan at sa pagdating ng Cinemalaya sa UP (hahaha, I love you UP FI!). Grabe. Congrats to directors Veronica Velasco and Jinky Laurel. :Db Good job!
At sana, napanood ito ni sir Evasco kasi alam kong mahilig siya sa mga ganitong klase ng pelikula. :D Haha!
How's that for a mug shot? Hahahaha. Waging-wagi! :D
Cinemalaya ulit next year! YAY! 8D
-oOo-
I never thought I'd be this consumed by Pet Society. U.U Akala ko Restaurant City lang ang makaka-own ng heart ko.