Whut Haha Whut

Jan 22, 2010 21:24

I didn't know that yesterday, this blog is a year old already. :D Ka-birthday ni Neen ang blog ko, haha. Thanks to being fickle when it comes to hosting my entries, ayan 1 year old pa lang ang blog ko, although feeling ko matagal na talaga siya. Akshooli, 'di ko ineexpect na antagal ko na rin palang nagbblog. Mga less than 5 years na siguro. Wow. Samantalang dati, iniisip ko kung magtatagal ba ako sa ganitong mga bagay.

Call me jologs or tuta ng kulturang popular, pero pakiramdam ko, nagsisimula na akong ma-hook sa Full House Pinoy version. At naaappreciate ko na si Heart Evangelista as an actress. Grabe. Salamat de-antennang TV for supplying my new guilty pleasure. Hohoho.

Question of the day:
Naniniwala ka bang lahat tayo ay sumasagot sa tawag ng kapitalismo?

a.) Hindi.
b.) Oo.
c.) What is kapitalismo? I'm sorry.
d.) All of the above.

Ilagay ang sagot sa isang sobre kalakip ang wrapper ng iyong paboritong candy at ihulog sa iyong suking tindahan nationwide!

randomness, birthday keme, guilty pleasure, i love philippines, fa repas

Previous post Next post
Up