When I came home last Sunday, I watched this movie on Cinema One. The title was "All About Love". It's a local film and there was a particularly nice segment in the film. That story was called "Anna" (since there was three parts in the film). The story "Anna" had very insightful things about love. Uh...it's a heartbroken story. Haha. It's only about pain and hurt, and mostly, recovery and stuff like that :)
Sorry kung Filipino (actually, Taglish. LOL). But if you really want to read it, then that shouldn't matter.
QUOTE 1
Lia:
"I hate this. I hate this. Yung gagawin mo lahat tapos ibibigay mo lahat, tapos ganyan pa rin ang babalik sa yo. Parang, di ba? Bakit pa? What's the point?"
Eric:
"Hindi ko alam kung ba't nangyayari yan pero ang importante, natuto kang bumangon ulit sa umaga."
QUOTE 2
"Ang puso matibay. Nasasaktan man yan, gumagaling 'yan: bumabawi."
QUOTE 3
"Hindi lang ikaw ang taong nawalan ng minahal at hindi lang ako. Lahat na tao sa mundong 'to nasasaktan at walang obligasyon ang mundong protektahan ka. Hindi dahil mabait ka o meron kang mabuting puso, hindi ibig sabihin noon makakaiwas ka ng sakit, iiwanan ka o lolokohin ka. It doesn't work that way. Pero pinipili ng taong magmahal. Pinipili mo paulit-ulit dahil kung hindi para mo na ring piniling huwag mabuhay."
QUOTE 4
"Bakit nga ba tayo nagmamahal? Nakakatakot na nakakatuwang isipin na handa kang gawin ang lahat, ibigay ang lahat para lang sa pag-ibig. May nagsabi sa akin, minsan, kailangan na hawakan mo ang sakit para pakawalan mo siya kaya ginagawa ko 'to ngayon. Ibinubuhos ko na ngayon ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Pakakawalan ko na at magsisimula ulit ako. Hahayaan kong sarili kong masaktan. Hahayaan kong sarili ko maging punching bag ng mundo dahil alam kong ako man, nanununtok at lumalaban din kasi yun naman yung point, hindi ba: Ang mabuhay at malamang nagmahal ka at minahal ka. Sa makakahanap ng tape na 'to, sana makahanap ka ng taong magbibigay sa 'yo ng lakas na maniwala sa pag-ibig. Kahit na walang kasiguraduhan na magtatapos ang kwento niyo sa 'I love you' at happily ever after, magmahal ka."
Taken from:
ALL ABOUT LOVE 8ALL ABOUT LOVE 9 Confess and love. - Bassanio from The Merchant of Venice