Dec 11, 2008 20:56
Anumang pagsubok na darating sa ‘kin
Hindi ko alam kung aking kakayanin
Tila buhawi na sisira’t wawasak
Mga pangarap ko’y biglang malulusak.
Bakit ba ganito sa ‘kin ang tadhana
Parang ang puso ko’y tinusok ng pana
Kung maaari lang na diktahan ito
Upang ang buhay ko’y ‘di na maging lito.
Ngunit alam ko na hindi maaari
Ang kabiguan ko’y hindi mapapawi
Ang lahat sa akin ay biglang naglaho
Kailan na ba ako hindi mabibigo?
Sana kahit minsan ay maging masaya
Matikman man lang ang kaunting ligaya
Maging malaya ng kahit isang saglit
Isang pangyayaring hindi mawawaglit.
Makakamit ko ba ang susi ng saya
Upang kumawala sa aking kadena?
Makita ko sana ang tulay
Upang makamtan ko ang aking tagumpay.
personal