Jan 18, 2008 00:17
Nakarma yata ako kanina nung tinanong ako ng guard ng Wynsum kung saan ako papunta, at dahil bad trip ako na late na ako ng kalahating oras sa BodyCombat, nasabihan ko ng "duh" pagkalampas ko. Inisip ko lang eh, napalakas pala. Eh paano naman, hindi ba siya nasanay na maraming tao pumupunta dun araw-araw, gabi-gabi, na may dalang gym bag? Kamowwwwn manong guard.
So ayun nga, nung nasa elevator na ako, pinindot ko yung floor number ng FF, tapos naghalungkat ako sa bag ko for my ID card. Aba pagbalik ng tingin ko nakabuka ng konti ang pinto ng elevator. Siguro 2 inches. Tapos di gumagalaw.
Open Sesame! Ayaw. Pindot pindot pindot ayaw pa rin. Naka-ilang alarm na ako, wala yatang nakakarinig. Ayaw bumukas ng pinto boooooohuhuhuhu. Pasalamat na lang ako kahit papaano medyo bukas ang pinto. Kung hindi, todo panic na ako nun. Bumukas naman ang pinto...eventually. Hehehe.
I'm sorry manong guard. Di na kita tatarayan.