Pasko Na Naman..... Haaaaaaay............

Dec 24, 2008 07:29

so... this would be my 6th straight Christmas in Dubai (actually asa Iran ako nung pasko ng 2005 but same same). di na naman ako nakauwi. pano kasi december is the busiest time of the year dito sa Sony kaya di talaga ako makauwi. i also celebrated my 5th anniversary in Sony nung 21Dec. wala nang celebration. dapat pagluluksa ang gawin. haha. pucha. ako na ang isa sa mga pinaka-matagal na empleyado dito. hirap pa ngayon maghanap ng bagong trabaho sa mga panahong ito. oh well...

so ano na ba ang na-achieve ko sa limang taon ko dito sa Dubai?
- ipon? wala! maluho ako masyado.
- love life? wala! fling life ang tawag sa kung ano meron ako!
- wala akong pinagkakaabalahan besides facebook & multiply.
- tapos sobrang laki na ng tinaba ko!!!!
oh well... ok lang. di naman sayang ang pagpunta ko dito sa dubai. ang sony magaling na marketing school kaya marami na kong natutunan at marami pa namang pwedeng matutunan. kaya nga di pa rin ako nag-ga-graduate eh... hehe... at saka at least nakapag-travel ako sa napakaraming mga lugar. kung nag-stay ako sa pinas, hanggang pangarap lang siguro ang mga napuntahan ko na. akalain mo, nakarating akong azerbaijan. ni hindi ko nga alam dati na bansa pala yun. hahaha...

so pag ako'y nagmotmot na naman kung bakit ko ba naisip pang magtrabaho dito sa dubai. titignan ko na lang tong mga picture na ito. pampalubag loob kumbaga. sana madagdagan pa....



ayun lang. merry christmas sa inyong lahat mga kapatid!!!!!! (pansin niyo sobrang sanay na kong magpasko dito kaya di na senti ang mga naisulat ko. haha. nakakalungkot naman na ganon na ko. pucha. senti ulit? leche.)

Previous post Next post
Up