Hindi pa tapos.......

Sep 27, 2008 15:09

Sana sakin ka na lang,   para maakap, mahaplos, masundan ng daliri ko ang likod mo.
Sana andito ka sa tabi ko, para kahit paano meron akong mapagkwentuhan ng mga bagay ng di ko na masabi sa iba.

Pero mukang malabo dahil magkaiba tayo ng habol.
Magkaiba ng hinahanap.
Sana balang araw habang buo pako sayo,
mangyari ang aking hiling.

Pero sa takbo ng buhay mukang matagal pa,
O kaya hindi mangyari.
Posibleng nabighani lamang ako sa ganda mo.
O siguro may nakikita lang akong di nakikita ng ibang tao.

Siguro hindi opa nga kita kilala,
at sa dami ng  napagdaananan mo, siguro kaya ko parin tanggapin yon.

Lunkot ba?
Pagiisa ba?
O simpleng hiwaga lamang ng ganda mo?

Hindi panlabas ang nakikita ko,
kundi ang pakiramdam na tayo pareho lamang,
Naghahanap, nnag lilibang, sinusubukang makalimot ng kalunkutan.

Sana o irog makita mo ako,
Sana balang araw ay makita mo ako.

Previous post Next post
Up