Tagged by
Nenz Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 10 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they've been tagged.
1. Rai - Lahat ng kaibigan, orgmate, classmate at collegemate ko sa CMC at CommRes ito ang tawag sa akin. Since college ito na ang official nickname ko. even sa office ito ang tawag sa akin.
2. Raymond - Eto naman talaga pangalan ko. Tawag sakin ng teachers ko from elementary until college.
3. Ray - Ito ang palayaw ko sa pamilya/bahay. Ito din ang kadalasang tawag sa akin ng mga kaibigan at kaklase ko mula elementary hanggang high school.
4. Mon - Yung ilang mga kaibigan at kaklase ko na hindi ako tinatawag sa Ray, Mon ang gamit nila. nung high school mas gusto kong tinatawag akong Mon, mas mature kasi pakinggan, feeling ko lang.
5. Boy - Tawag sa akin ng lola ko. may hearing defect kasi sya. Nung grad ko ng elementary nakita nya name ko sa programme. saka lang nya nalamang Raymond pala ako. mula non, Mon na rin tawag nya sa akin. yung kapatid kong bunso naman ang tinawag nyang Boy. pero minsan tinatawag parin nya akong Boy. lalo na ngayong nasa UK na ang kapatid ko.
6. Glenn - pangalan ito ng kapatid kong sumunod sa akin. 3 years ang pagitan namin. pero dko pa rin maintindihan kung bakit marami sa mga matatandang kapitbahay namin ang nalilito sa pangalan namin. Pag tumawag sila ng Glenn at wala naman ang kapatid ko, alam kong ako ang tinatawag nila. o kaya naman pag kinakausap nila ako, Ray ang regard nila sa kapatid ko.
7. Wey/Way/Wei - Tawag sa akin ng mga kalaro ko nung bata pa ako, pati ng mga ibang batang mas matanda sa akin. nung bata kasi ako may problem ako sa pagprnounce ng |R|. kaya tinutukso nila ako, imbes na Ray, naging Way tuloy. pero nawala naman yun nung magsimula ako sa elementary. though may mga ilan pa ring bully na hanggang ngayon Way pa rin ang tawag sa akin. tsk.
8. Munch/Munching/Monching - Tawag sa akin sa Yakal. pauso ng roomate ko dati. bagay daw kasi mukha akong intsik. kahit tuloy nawala na sya sa yakal nun, naglinger yung pauso nya. pati yung mga naging roomates kong sumunod, Kuya Munch ang tawag sa akin.
9. Dogz - Ito konting tao lang tumatawag sa akin nito. yung super close friends ko lang sa Kalai. Pauso to ni PM. Dogamon pa nga ito pag mahaba. galing sa Doraemon. kumplikado.
10. MonMon - Tawag sa akin ni Dean Pernia. at sinundan ni Saj at ni Pam at ni Jam. haks. Actually, tinatawag din akong MonMon nung parish priest namin dati. minsan Monmoronmon pa nga.
11. Momon/Rerey - Mga bata lang tumatawag sa akin nito. usually mga pamangkin ko saka anak ng mga kapitbahay. Tito Momon o kaya Tito Rerey. Mahirap ata ipronounce ang RayRay saka MonMon? ewan.
12. Ryan - Alter-ego ko. nung high school nung uso pa mga textmate-textmate (yak), Ryan ang ginagamit kong pangalan. Dun na rin nahugot at Rai. Marami ding officemates ko ngayon ang tumatawag sa akin ng Ryan. Kala daw nila yun talaga pangalan ko. haha.
13. Randy -Tawag sa akin ng teacher ko sa German. May isa daw kasi syang student na Randy. nalilito lang daw sya. later on, hinayaan ko na lang ding Randy ang itawag nya sa akin forever, nakakapagod na rin syang icorrect everytime.
14. Ronald - pagkakamali naman ito ni Ma'am Golda. ilang beses lang naman yun. pero laughtrip talaga.
15. Ricky - isang malaking pagkakamali nung HR sa Mindshare. nung pinapakilala ako sa mga tao, Ricky ng Ricky. correct naman ako ng correct. pero Sige pa rin, Ricky pa rin sya ng Ricky. feeling ko pag nagpunta ako sa Mindshare Ricky ang itatawag sa akin. tsk.
16. Baby - hulaan nyo.
___________________________
I tag:
Jenna
pink_issues Cams
camiru Bevie
crazedeuphoricPache
poche Aris
sirang_talaga Ran
sorceressran Joycee
your_bitchness Stan
boggley Arvin
kaarbeen Al
acid_t3st