Acknowldegment

Apr 09, 2007 18:37

Naipasa na namin kanina ang bound copies ng thesis. Yay! Napakasaya. haayy...





Diyos ko, Lord! Natapos na din! Salamat po sa lakas, sa paggabay at sa pagpapatibay ng loob ko. Sa Inyo po ang aking pagpupugay at papuri. Alay ko po sa Inyo ang tagumpay na ito. Mahal na mahal ko po Kayo. Amen.

Kareng canacung pengari, oini, ‘yari ne. Malambat cung peneneyan ing pinandit a ini. Gilutan cu na ata ing sabla para kanini, oini ‘yari ne. Dacal a salamat qng pamagtiuala yu kanacu at qng anggang suporta yu. Ecu siguru alampasan ing anggang delanan cung ini nung ala cayu qng gulut ku. Para kecayu ya ini. Caluguran da cayu pu.

Sa minamahal kong mga kapatid, pasensya na kung hindi ako nagpaparamdam. Pasensya na din at mukhang hindi ko nagampanan lahat ng responsibilidad ko bilang tatay/nanay/kuya ninyo. Promise, last na ‘to. Hindi ko kayo pababayaan. Makakabawi din ako. Tita, Lola, maraming salamat. Para sa inyo po ito. Mahal na mahal ko kayo!

Sa minamahal kong block, ang CR2K3, malaking pasalamat ko na naging bahagi ako ng grupong ito. Dito ako natuto, lumaki, at umunlad. Sa inyo ko naranasan at naramdaman ang lahat ng pwedeng maranasan at maramdaman. Sa inyo ko utang lahat ng tagumpay ko sa UP. Sa inyo ko rin alay ang lahat ng mga ito.

Ang usapan natin tatlong taon na ang nakakaraan, “Walang aalis ng CommRes hangga’t hindi pinapaalis!” Heto tayo ngayon, nanatili tayong matatag, nakatayo, naririto. Alam kong magtatagumpay tayo. Maraming salamat sa lahat ng alaala. Hinding-hindi ko kayo malilimutan. As in.

Sa aking mga online buddies, kina Al, Arvin, Gito, Rich at Rocky. Maraming salamat sa pagsuporta at pagpapalakas ng loob ko. Salamat sa company sa tuwing nagpupuyat ako. At sa lahat ng naitulong ninyo, sampu ng Livejournal, sa pagbuo ng thesis na ito, maraming-maraming salamat. Makakabawi din ako sa inyo.

Kina Joanne, Edmar, Grai, Nick, John Mark, Zandra, Benjo at sa kani-kanilang mga kaibigan, maraming-maraming salamat sa pagtulong ninyo. Kulang ang Red Ribbon, Greenwich at tinapay kumpara sa naitulong ninyo. Makakabawi din kami sa inyo.

Sa aking mga kaibigan sa bukid. Tess, Bu, Jack, Pey, Par, Jeng, Credz, Mel, maraming-maraming salamat sa pagkakaibigan. 15 years na! salamat sa pag-intindi at paghihintay sa akin. Babawi ako. Mahal ko kayong lahat!

Sa aking mga kapwa DosBoys at S5 sa Kalai, 03-04, maraming salamat sa pananatiling mga tunay at tapat na kaibigan sa kabila ng kawalan natin ng komunikasyon. Alam natin sa isa’t isa na mananatili tayong iisa, magkakasama at magkakaramay. Malaking bahagi kayo ng buhay ko.

Sa UP Mountaineers at sa mga naging kaibigan ko sa Yakal, maraming salamat sa pag-intindi sa pagiging delingkwente ko. At maraming salamat sa pananatiling mga kaibigan sa kabila ng lahat.

Sa UP Communication Research Society, Mabuhay! Maraming salamat sa pagtitiwala. At sa mga pagkakataong ibinigay ninyo upang malinang ko pa ang aking mga kakayahan. Marami ring salamat sa lahat ng alaala. Ang saya-saya. Mahal ko ang org na ito at habang-buhay kong ipagmamalaki na naging bahagi ako nito.

Sa Faculty ng CommRes. Naku. Wala akong masabi. Salamat po. Isa kayong malaking Check! Kay Ma’am San Joaquin, marami pong salamat sa pagtitiyaga sa amin. Thank you very much for bearing with our Awful! Awful! writing and for correcting our extensive grammatical lapses. And thank you very much for working with us during the Holy Week. We love you, Ma’am!

Bevs, salamat sa pagtatama sa akin sa tuwing nagkakamali ako (for stabbing me right in the front). Joycee, mahal na mahal kita. Alam mo yan. Salamat sa lahat ng pag-alaga sa akin. At sa amin. Teacher Jenna, salamat sa lahat ng natutunan ko sa iyo. Saludo talaga ako sa iyo. As in, bow. Pam at Ria, mwah! Ran at Mama Wena, mga groupmates ko sa pinakauna at pinakahuling groupwork ka sa CommRes. Tama, wala na ang cholera, kinaya natin sya. Niq, mami-miss kita. Akalain mo? Carl, Cherry, eto na yun. Tapos na. No more vigil! Aris, Pache, I concede. No match ako sa lakas ninyo. Mga leche kayo, alam nyo ba yun? Warftk!

Camille, my boarder/confidant/thesis partnerdk, salamat sa pakikinig sa akin, at sa pagtitiwala sa akin ng mga saloobin mo. Hindi dito natatapos ang pagiging buddies natin, ok? Nandito lang ako. We can always talk, over anything. Mahal kita. Bow.

At sa iyo, Cristina Calderon. Sa iyo na naging inspiration at motivation ko. Sa iyo na naging sanggunian ko. Sa iyo na naging lakas at tatag ko. Sa iyo na nagpapasaya sa akin. Sa iyo na nagpapaiyak sa akin. Sa iyo na laging nariyan. Sa iyo na nagpapakita sa akin ng other side of things. Sa iyo na isang malaking optimism. Sa iyo na isang beautiful distraction. Sa iyo alay ko ang tagumpay na ito. Mahal na mahal kita.

-- Raymond

senti, thesis

Previous post Next post
Up