Natapos na din ang exam kay sir avecilla. grabe, 10hrs kaming nasa loob ng kwartong yun. tsktsk. ikaw na nagtaxi para umabot sa 1pm na akala mo'y starting time ng exam. tas magstart pala ng 5pm! at, ang exam, wag ka, malupet! haay. natapos na din. tsk. huling klase ko as an undergrad ay kay Sir Avec. huling exam ko, sa kanya pa din. tsktsk.
Tatlong araw na kaming bum. walang ginagawang matino. mula sabado ng gabi, wala na. naipasa na ang third draft. wala na munang aalalahanin. kaya may oras ng magliwaliw. kumain sa labas. mag-internet. manuod ng mga pelikula. matulog maghapon. haaay, sarap.
pero syempre, sa bawat oras na winawaldas, may thesis na iginigisa. wala naman kaming magagawa dahil nasa kamay na iyon ng adviser. at hanggang ngayon, after almost four days, ay hindi pa din nya binabalik. at hindi pa din nya ibabalik bukas. sa thursday pa daw! kamonst. edi sana umuwi na lang ako sa pampanga?! ang mangyayari nito, pati good friday ay nagtatrabaho kami. tsktsk.
eto ang masaklap, baka hindi raw kami umabot sa university graduation. worst case. pinakuha na nya kami ng completion forms dahil bukas ng gabi, kailangan na nya kaming bigyan ng grade na Incomplete sa thesis. argh! at pag naayos namin yun by april10, edi gagraduate kami. pag hindi, summer graduates. well, ok na rin. pero argh pa din!
so bukas, maghapon na naman kaming tengga ni cams (
camiru). nung saturday night, natulog lang kami ni kitti forever. sunday night, kumain sa Mega. at tumambay sa kanto ng Shaw at edsa. tas nuod ng dvds. tas tulog maghapon. tas dumating sina cherry at cams. tas si Carl Bading. ayun, fullforce kaming nagbond sa McDo. bilang pare-pareho kaming pending ang thesis. pero sa aming tatlo, yung case namin ni Cams ang worst. bilang kami ang pinakahuling nagsubmit ng third draft. edi kami din ang huling maibabalik. at huling maiaayos. tsk.
nagpakabusog na lang kami ni cams kanina. kain ng marami. kain ng masarap. para kaming bibitayin bukas. haha. walang konsepto ng pag-aayuno. arfk.
so di na ako uuwi ng Pampanga sa mga huling araw ng semana santa. ngayon lang ako wala sa bahay sa ganitong okasyon. normally, nakokompleto ko ang mga selebrasyon sa mahal na araw. mula sa Palm Sunday, hanggang sa Via Dolorosa, Pabasa, sa mga prusisyon, sa Krism (o Crism?) mass, sa mass of the last supper, sa Visita Iglesia, sa hinagpis, sa misa ng apoy at tubig, sa Salubong, sa Easter parade at pagpapasabog sa rebulto ni Hudas. ayan. nakukumpleto ko lahat yan. pero this year, so far, wala ni isa man sa mga iyan ang nagampanan ko. nakakalungkot.
at, magdiriwang pa ata ako ng kaarawan ko nang mag-isa. huhu. saklap naman. umuwi pa man din mga pinsan ko, pati yung isa na ka-birthday ko. ayan. masaya sila sa bukid. samantalang andito lang ako sa maynila. waaaaaahhh!!!!
yun lang. kailangan ko lang ilabas lahat ng to. nyeta.