gumising kunwari para magpunta sa CMC library. ang usapan namin ni
camiru, 10am kami pupunta sa CMC. but no, 12:15 ng hapon kami gumising. at kunwari nagmadali pang magbihis and all. but no, pagdating sa CMC lib, ang inakala naming magsasara ng 2pm ay nagsasara pala ng 1pm. syempre wala kaming inabutan. wapak!
at dahil ayaw magpatalo, ayaw masayang ang gising, almusal na pancit canton, ligo, bihis, pamasahe, effort at lahat-lahat, kunwari gumawa kami ng something productive. nagpunta pa kami sa Mainlib. hanggang lobby lang, lumabas na ulit. hahak. nagpaxerox na lang kami ng questionnaires. wapak!
ang usapan, uuwi na lang at mag-eencode at transcribe ng surveys at interviews. but no, naunang dumaan ang jeep na pa-SM, so sakay na lang kami. hahak. ang kapal-kapal ng mga mukha. nanuod pa ng Babel. hahak.
pagkauwi, magpapalaba pa sana ako ng damit sa Philcoa. pero tinamad pa din, nagpalaba na la sa may ABS-CBN, kahit halos nalugi ng malmost 150pho. hahak.
after dinner, nagkunwaring nagencode ng survey at nagtranscribe ng interviews. after less than an hour, we both agreed na wala kami sa mood magtrabaho. guess what, nanuod na lang kami ng pelikula. hahak. nung una nga, Voltes V pa nga ang papanuorin namin, eh. bilang hindi ko pa napapanuod yung dvds na binili ko. pero dahil mahina ang audio, naghanap na lang ng iba pang mapapanuod. hahak. Shakespeare in Love ito! hahak..
ang usapan, matutulog kami ng alasdose kasi sasama kami sa FGD ni Carl Bading bukas. but no, alauna y media na, at eto, nag-Quaker ekek pa kami, at nagffriendster, at YM at blog, at blog-hopping. hahak..
bakit pag trabaho, ang daling mawalan ng gana? pero pag kaeklatan lang, ganadong-ganado?
ang kapal-kapal. hahak..