aral.

Jan 14, 2007 23:52

dati, isa ako sa mga super bitter sa lablayp. oo, masakit, nakakainggit. sa tuwing makakakita kami ng mga magsing-irog na magkasamang naglalakad, kumakain, anupaman, ansarap nilang saksakin, barilin, pulbusin. mga buhay na insulto. 'pag may nagsasabi sa akin na, darating din yan, 'wag mong hanapin, wag mong madaliin, ansarap nilang sapakin. mga mayayabang na dahil meron na sila, ang sasabihin na lang nila ay hintayin ang sa iyo? bwiset.

nung unang beses akong may nakahawakan nang kamay at nakasabay kumain, maglakad, manuod ng sine, etc, nasabi ko na lang sa sarili ko: hindi na ako magiging bitter sa lablayp kailanman. dahil kahit minsan lang sa buong buhay ko, naramdaman ko na at naranasan ang may kahawak-kamay, etc.

ngayon, sige, sapakin nyo na lang ako pag nakita ninyo ako, kami. maiintindihan ko. dumaan na ako dyan, alam ko ang pakiramdam. at sana, pag sinabi kong darating din yan, 'wag mong hanapin, wag mong madaliin, sana maniwala na lang kayo, at 'wag sumama ang loob. sana dahil alam naman ninyong dumaan din ako dyan, maniwala kayo sa akin. sana maintindihan ninyo. dahil ako, naiintindihan ko na sila.

yun lang.

senti, lablayp

Previous post Next post
Up