pailaw

Dec 17, 2006 01:43

tatlong magkakasunod na gabi na akong nakakanuod ng fireworks display. ewan ko kung bakit pero nagpafireworks ang ABS-CBN nung wed at thurs. at, hindi yung tipid na fireworks tulad nung ginawa sa Ilawan sa Oblation nung Dec.4. magarbong fireworks ang sa ABS. hindi nababakante ang ere, nagooverlap pa nga kung tutuusin. at maganda talaga. nung friday naman, inaabanagn ko pa man din sana ang fireworks sa Oblation pagkatapos ng Lantern Parade. pero wala, walang naganap. buti na lang, habang nasa Pier One nung gabi ding iyon, may nag-fireworks. di namin alam kung saan. panalo.

naalala ko nung 3rd yeah high school ako, pumunta kami sa Baguio para sa Panagbenga Fest. naglalakad kami sa Session Road nun tas biglang may fireworks dispaly. tumigil na lang talaga ako at tumingala. naiwan ako ng mga kasama ko. text sila ng text, hindi ko napapansin. basta nakatingala lang ako, naaaliw, nakalimot sa lahat.

oo, napaka-bading nga siguro. pero sorry, sobrang natutuwa ako sa fireworks. pati sa maraming parol o pailaw na magkakasama. ewan ko ba. basta tumitigil na lang ang mundo ko kapag nakakakita ako ng fireworks. haay..

isipin nyo na lang kung gaano ka-timang ang hitsura ko nung pagpasok ng taong 2000. hindi talaga ako umalis sa harapan ng TV. bilang minu-minuto ay may sumasalubong sa pagpasok ng bagong milenyo. fireworks here, fireworks there, fireworks everywhere. i remember, yung sa France ang pinakagusto ko. sobrang sa Eiffel Tower sya ginanap. pambihira.

at nahanap ko ito sa youtube. proposed fireworks display sana nung Athens 2004 Olympics. pero hindi daw ito ang natanggap. mahal siguro masyado. pero grabe, 'pag siguro nawitness ko ang ganitong klase ng fireworks display, pwede na akong mamatay right after. haaay..

senti, randomness

Previous post Next post
Up