Jan 26, 2009 17:30
nandito ako kina katrina ngayon. may genius na member ang broad ass na tumawag sa bahay nung nasa tagaytay ako at naghanap ng "jok2x." naku, siguro nu'ng nagpa-ulan si lord ng utak sa sangkatauhan, naka-spacesuit ang taong 'yon kasi ilang beses ko nang inulit-ulit sa mga orgmates ko na WAG NA WAG tatawag sa landline namin. kung kailangan akong kontakin, andyan ang cellphone ko. eh musta naman? nu'ng tumawag sila nagte-trekking sa taal, kaya 'di ko nasagot. by the time na nakapag-return call na ako, nakatawag na sila sa bahay at naghanap ng jok2x.
walang kilalang jok2x sa bahay. john christopher mero'n. mero'n ding topher at tupe. pero walang jok2x.
siguro matagal na ring nagsu-suspetsa si daddy, kaya nu'ng nasagot niya ang tawag na 'yon, nagtanong-tanong siya. it didn't take him long to figure out kung sino si jok2x. at nadiskubre na rin niya ang lihim na tinatago ko.
kinausap niya ako kanina. marami siyang binitiwang masakit na salita na 'di ko akalaing kaya niyang sabihin. sa kadulu-duluhan, sinabi niya na hindi niya tanggap ang ganito kong pagkatao. magbago daw ako o lumayas ako.
ulol siya. eh 'di lumayas ako.
ayun, dito muna ako kina katrina. pero nakakahiya naman sa mga magulang niya. (hindi kay katrina ohohohoho.) hahanap ako ng tutuluyan. bibigyan daw ako ni mommy ng allowance nang patago para may pambayad ng upa at kung ano pa. sabi niya kailangan lang daw ni daddy ng panahon mag-isip para tanggapin ako sa amin ulit. naiintindihan ko naman si daddy kahit papaano.
puchang drama 'to! nakaka-imbyerna. 'pag nakita ko 'yung mem na 'yon lagot siya sa akin. X(