Jan 02, 2004 02:43
Arrival at Singapore
(nakikigamit lang ako ng computer, para mag blog)
Kakarating ko pa lamang sa Singapore...at home-sick na ako! Kakaiba itong nararamdaman ko; I never realized I was actually travelling to Spain and leaving my family behind.
Sumakay ako sa Salvadora mga anim na araw nang nakalipas. Si Uncle Antonio ay kinuhaan ako ng passport, na Jose Mercado. Ang galing! Uncle Antonio, Vicenta Gella, at Mateo Evangelista ang naghatid sa akin sa Salvadora (Thanks!!).
Sa pangalawang araw ng paglalakbay, na-seasick ako. Ang pangit ng pakiramdam. Di pa kasi siguro ako sanay sa pagsakay ng barko. O siguro...hindi ko alam...ewan ko.
Gusto ko na lamang makita ang mga magagandang lugar dito sa Singapore..mas makakapagrelax ako nun. Sana.
Pepe