Dec 28, 2004 15:47
Kakauwi pa lamang namin galing eskuwelahan. Huling araw na ng aming klase kanina.
Boo.
Bakasiyon na kami ngayon hanggang hunyo daw sabi ni nanay. Ganito pala sa iskuwelahan, may ilang buwan pa kami para magpahinga bago magsimula ang bagong semestre.
Masayang-masaya ako sa mga award na nakuha ko kanina. Ako daw ang pinakamagaling sa Spanish at Latin.(hehe!) Sa Matematika rin ako ang pinakamagaling ngunit hindi ko pa nakukuha ang parangal nila saakin para dito. Tuwang-twa sila kuya sa aking mga nakamit sa unang taon ko sa iskuwelahan. Sana mapatuloy ko itong mabuting kalagayan ko kasi masarap ang karamdaman na makita sila na ngumingiti dahil sa akin.
Bagamat madaming naiinggit saakin, hahayaan ko na lamang sila. Ito ang payo saakin ni nanay. Minsan nga ay sinisiraan nila ako sa guro kaya napaparusahan ako at napapagalitan. Pero sabi ni nanaya huwag daw ako gumanti dahil magiging katulad ko lamang sila kapag ginawa ko iyon. Kaya ang ginagawa ko na lamang, gumuguhit ako ng mga larawan kung saan mukha silang loko. Doon na lamang ako gumaganti para sa paraang iyon walang gulo.
Kapag pinapakita ko nga ang mga ginuguhit ko kay kuya natutuwa siya dahil magaling daw pala ako gumuhit. Gusto ko yung pakiramdam kapag gumuguhit ako. Tila lahat kaya ko gawin kasi ako ang may hawak ng lapis at ako lang ang may kontrol kung ano ang pwede iguhit. Hindi ako titigil sa pagguguhit. Hanggang matanda na ako, ito parin ang magiging hilig ko.
Sige hanggang dito na muna.
Pepe