[ ON-AIR 01.08.09 ] Loveline with Love Guru

Jan 08, 2009 23:46

Magandang gabi sa inyong lahat mga kapamilya, kabarkada, ka-ibigan at kakuwentuhan! Kamusta ang mga puso niyo, buhay pa ba? :D Sana naman ay maganda nga ang gabing ito para sa inyong lahat... medyo my kalamigan nga lang sa labas, ano? Yung may mga kayakap diyan, share niyo naman sa iba! Hahaha, joke lang po mga kaibigan... andito na naman po ako, ( Read more... )

loveline, on-air

Leave a comment

Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:46:55 UTC
hi, ate toni. itago niyo na lang po ako sa pangalang "reyna ng kajoklaan." may type akong guy, as in sobrang laglag-panty, maginoo pa at mabait. 'yun nga lang, 'di ko alam kung magugustuhan niya ang isang tulad ko. dapat ko pa bang hayaang lumalim pa lalo ang nararamdaman ko sa kanya o umiwas na ako dahil masasaktan lamang ako? ano ba ang dapat kong gawin?

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:47:12 UTC
Magandang gabi sa iyo, Mahal na Reyna... :D

Unang-una... gusto ko munang malaman kung itong lalaking binabanggit mo eh malapit mong kaibigan o acquaintance lang?

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:49:09 UTC
magkaibigan kami, love guru. not that close, pero kinikilala namin ang isa't isa as friends.

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:51:28 UTC
Ahhh, at least meron kayong ganoong klase ng relationship to begin with. Sabi mo talagang mabait itong guy na 'to diba? Meron ka bang nase-sense sa kanya na... something... na puwedeng magsabi sa iyo na kung sakaling umamin ka man sa kanya ay lalayuan ka niya?

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 16:00:36 UTC
wala talaga akong ma-sense. masyado kasi siyang reserved, at parang 'di siya nagpapakita ng emosyon niya, kaya 'di ko talaga masabi. :(

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 16:04:29 UTC
Hmmm... medyo mahirap nga yang kinalalagyan mo, sister. Pero like they always say... the truth will set you free. Kung hindi ka pa handang magsabi ngayon, maybe in the near future hindi ba? Mukhang mabuti naman ang puso nitong guy na nagustuhan mo, so I don't think he'll be the type na magiging bastos or rude kung sakali mang magsabi ka sa kanya.

At saka isa pa pala... ang damdaming pinipigil, lalong lumalakas. So just go with the flow... tingnan mo kung saan ka dadalhin. Kung masaktan ka man it will always be a lesson learned.

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 16:15:57 UTC
mukhang tama ka nga, love guru. oo, mabuti ang puso niya, at siguro dapat magsabi na ako. lalakasan ko ang loob ko para magsabi sa kanya. naku, sana di ak masyadong masaktan. maraming salamat, love guru! ^^

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 16:18:54 UTC
Good luck sa iyo, Mahal na Reyna. ^^ Sana maging happy ang puso mo lagi!

Thanks for calling!

Reply


Leave a comment

Up