[ ON-AIR 02.19.09 ] Loveline with Love Guru

Feb 19, 2009 23:43


Magandang magandang magandang maganda po ako ngayong gabi mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Hahaha! Joke lang po mga tagapakinig... magandang gabi sa inyong lahat! Kamusta naman ang inyong mga puso, tumitibok pa ba, maligaya ba, o malungkot at nangangailangan ng tulong ( Read more... )

loveline, on-air, love advice

Leave a comment

Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 15:52:59 UTC
dear love guru,

itago niyo na lamang po ako sa pangalang "lady pechay." nakita ko po ulet ang aking ex-boyfriend kasama ang kanyang bagong girlfriend. 'di ko po alam kung bakit, pero ang sakit sa damdamin kong makita 'yon. bagay naman sila, at mukhang masaya sila magkasasma. ang nagtataka ako, naka-ilang boyfriend na rin ako pagkatapos namin mag-break, kaya akala ko over na ako sa kanya.

isa pang bagay, love guru, may kinalaman kaya 'yung pag-break namin? nag-break kasi kami dahil nag-drift apart kami. napakasakit talaga ng break up namin noon, pero nagsinungaling ako sa kanya noon at sinabi kong ok lang ako, at ok lang sa aking makipaghiwalay. ang alam ko naka-recover na ako mula do'n, pero bakit gano'n?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 15:53:48 UTC
Magandang gabi sa iyo, Lady Pechay.

Mga ilang taon kayo ng boyfriend niyo bago kayo naghiwalay?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 15:59:01 UTC
mga 2-3 years rin po, love guru.

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:01:07 UTC
I see. I guess tama ka nung sinabi mo na may kinalaman ang break-up niyo with this emotion na nararamdaman mo ngayon. Parang sa tingin ko kasi walang closure ang nangyari sa inyo... basta na lang kayong nag-drift apart, at pagkatapos you ended it just like that.

Puwede ko bang itanong kung bakit bigla na nga lang kayong nag-drift apart? May umiwas ba sa inyo, or something?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:03:26 UTC
aah, kasi schoolmates kami nu'ng high school. one year older siya sa akin, so nag-drift apart kami nu'ng nag-college siya tapos ako naiwan sa high school. :(

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:05:26 UTC
Ahhh, I see. So parang time constraints na rin siguro tsaka iba na yung crowd niya... pero that didn't mean naman na nawala yung feelings mo for him? Are you saying na-fall out of love lang siya sa iyo, and you didn't feel the same way?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:10:56 UTC
malayo pa po 'yung school namin sa college niya. gano'n na nga po siguro ang nangyari.

gano'n nga po siguro. pero akala ko talaga over na ako sa kanya ngayon.

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:13:30 UTC
So ibig mong sabihin parang nanumbalik lang yung feelings nung nakita mo siyang may bago nang girlfriend? Were you seeing each other previously, bago mo nalamang may girlfriend na siya?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:18:08 UTC
parang gano'n nga po ata? nagkikita po kami pero mga isa hanggang tatlong beses lang at 'di ko na po masyadong naaalala. pero wala naman po akong naramdaman hanggang nakita ko 'yung girlfriend niya.

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:23:27 UTC
Don't take offense ha... pero pakiramdam ko napo-project mo lang yung picture na dating kayo, pero ngayon iba na ang kasama niya. So I guess its more of jealousy or the want to belong, since you've been with him for a long time before you broke up... tapos ngayon the familiar feeling is there, only ibang tao yung nakikita mong nasa puwesto mo dati.

Ire-assess mo siguro yung feelings mo... if you've survived long enough na hindi kayo, hindi mo siya naiisip, hindi mo siya kasama... siguro ibig sabihin nga noon, over ka na sa kanya. And this scenario na nakita mo... nagtrigger lang siguro ng memories sa iyo kaya bigla kang naguluhan. Correct me if I'm wrong... pero I don't think that necessarily means na mahal mo pa siya.

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:39:28 UTC
selos...? baka nga po. >_> pero gusto ko talagang maging masaya sila ng bago niyang girlfriend. nagagambala lang ako kasi may kumikirot talaga sa dibdib ko nu'ng makita ko sila. ano po ba ang dapat kong gawin para mawala ang kirot na 'yon?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:43:18 UTC
Okay, I understand what you mean... siyempre naman matagal rin ang pinagsamahan niyo ng taong ito and you were in love for a long time. Pero siyempre... sometimes things have to change and people have to move on... hindi ka exemption sa rule na yun.

The best advice I can give you for now is try to open your horizons, look for other opportunities to love and be loved. Alam kong sinasabi nilang "may isang taong nakalaan para sa ating lahat" and maybe you just haven't found him yet. Even then, hindi ibig sabihin nun na kailangan iisang tao lang ang mamahalin natin.

Go out there and socialize! Enjoy being free and single, meet new friends and learn new things. By the time you're done, you're going to be too busy feeling jealous or whatever it is you're feeling.

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 17:01:21 UTC
hhhmmm, siguro nga po 'yan ang kailangan kong gawin. kulang rin po ako sa ganyan nu'ng mga nakaraang buwan dahil busy ako sa thesis. susubukan ko pong sundin ang payo niyo, love guru. sana mawala na 'tong nararamdaman kong masakit. maraming salamat po!

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 17:02:56 UTC
Ahhh, ganun ba? Graduating ka ba? If so then I wish you good luck! :) At sana nga maibsan na yang nararamdaman mong sakit sometime soon.

You're welcome!

Reply


Leave a comment

Up