[ ON-AIR 01.22.09 ] Loveline with Love Guru

Jan 22, 2009 23:32

Magandang gabi mga kapamilya, kabarkada at ka-ibigan, ito pa rin po ang inyong very pretty DJ Love Guru na handang makinig sa inyong mga kuwento ngayong gabi! :D Umiinit na naman ang panahon at uso ang mga sakit, kung kaya't lagi po tayong mag-iingat ano ho? Siyempre mahirap ang magkasakit ngayon lalo na't pati buhay ay mahirap rin! Naku ( Read more... )

loveline, love advice

Leave a comment

Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 15:42:19 UTC
good evening dj love guru. itago mo na lang ako sa pangalang tisay. naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa isang tao... inis na inis ako talaga sa kanya lalo pag hinihiritan niya ako pero minsan ay mabait naman siya at nakuha pa niya akong bigyan nung mga bagay na gustong-gusto ko. nagseselos din ako pag may kumakalantari sa kanya. lalo yung mga malalandi at maiigsi ang damit pero... naguguluhan ako talaga. lagi kong iniisip na kung mas mabait siya sa akin ay malamang na magugustuhan ko siya. naging mabait naman siya sa akin, pinakain pa ako sa labas at kinausap ng matino... pero, na-realize ko na ang awkward pala namin pag wala na yung mga asaran at nakakainis na hirit. ano kaya ang dapat kong gawin?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 15:43:41 UTC
Magandang gabi sa iyo, Tisay. :D Naku, parang nakikita ko ang mga ganitong eksena sa pelikula ha?

Matanong ko lang... gaano katagal na kayong magkakilala nitong taong ito?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:05:36 UTC
hm, mga mag-iisang buwan at kalahati pa lang naman...

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:09:24 UTC
Okay... Sige Tisay... himayin natin ang mga sinabi mo. Naiinis ka sa taong ito dahil madalas kang asarin, pero nagseselos ka kapag may ibang taong kumakalantari sa kanya.

Parang simpleng-simple lang ang diagnosis ko rito Tisay... sa tingin ko may gusto ka sa taong ito ngunit sinusubukan mo lang pigilan ang iyong nararamdaman dahil may mga parte ng kanyang pagkatao na hindi mo gusto...

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:17:51 UTC
e love guru... hindi talaga siya likeable na tao. at higit sa lahat, kung sakaling may gusto ako sa kanya, malamang papatayin ako nun sa asar pag nalaman niya.

...

hindi sa may gusto ako sa kanya! oo pogi siya pero wala talagang tact at breeding!

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:19:54 UTC
*mahinang tawa* Okay, okay... let's just say that the definite answer is hindi mo nga siya gusto dahil barubal siya o anuman... but the thing is, you pointed out na nagseselos ka tuwing may kumakalantari sa kanya, 'di ba?

This could equate to you being possessive of friends din naman... are you the type to be possessive?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:26:36 UTC
hindi ko rin alam love guru... pero kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko silang magkadikit nung babaeng yun. hindi ko rin ma-explain kung bakit. kasi wala naman akong pakialam kung sino ang kadikit niya di ba?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:27:53 UTC
Nami-miss mo ba siya kapag hindi mo siya nakikita?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:31:31 UTC
ah, e lagi po kasi kaming nagkikita niyan love guru...

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:32:34 UTC
Ahhh, ganun ba? Eh... kung kunwari lang na nagkita kayo tapos hindi ka niya inaasar o iniinis dahil may iba siyang pinagkakaabalahan... hinahanap-hanap mo ba yung ugali niyang yun towards you?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:37:35 UTC
uhm... parang??? kasi ang weird ng pakiramdam pag di niya ako inaasar... ewan.

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:39:33 UTC
So ibig bang sabihin... na kung magkasama kayo, for example, sa isang buong araw at hindi ka niya inasar, binalahura at pinikon... ay parang hindi kumpleto ang araw mo? Na tipong sa gabi iisipin mo, "Bakit kaya hindi niya ako inasar?"

Ganun ba ang feeling?

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:44:30 UTC
feeling ko siya yung hindi kumpleto ang araw pag di ako naasar. pero minsan pag di niya ako inaasar natatakot ako na baka may iba siyang kalokohan na gagawin.

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:47:21 UTC
Hmmm. Duda rin ako sa intentions nitong taong 'to eh. I'm assuming he's a guy since sinabi mong may kumakalantaring iba na maiikli ang palda... and I believe na part of a guy's way to catch and hold your attention is to be mean sometimes, yung pikunin ka hanggang sa umiyak ka and all that.

Alam ko it's very elementary schoolboy-ish... pero minsan talagang tanggapin na lang natin ang katotohanan na boys will be boys, diba?

Tulad ng sinabi ko sa iyo kanina na pakiramdam ko may gusto ka sa kanya... I think na may gusto rin siya sa iyo... hindi niya lang alam kung paano ie-express in a way other than his usual antics.

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:57:07 UTC
ah, sige... pag-iisipan ko ang lahat ng mga sinabi mo, dj love guru. maraming salamat!

Reply

Re: Mula kay "Tisay" dijayforlife January 22 2009, 16:58:43 UTC
Sana nakatulong ako sa iyo, kahit paano... Tisay! :D Maraming salamat rin sa pagtawag mo!

Reply


Leave a comment

Up