Happy Father's Day

Jun 10, 2007 22:54

... Nag-family bonding kami kanina. AWWWWWWWWH. (May "H" talaga dapat. Haha amp.) Nanood kami ni Filipinas na movie sa CinemaOne ba yun, o PBO. Di ko alam basta yun. Napanood ko na kasi yun nung highschool e, tska ni bro na isa. Ewan, na-excite lang akong manood ulit. Sabi ni Mama dapat daw nag-family picture na kami sa sala. Bihira daw kasing mangyari. Totoo naman. Tsk, sayang. (Affected masyado? Haha)

Father's day ngayon! Hapon ko na naalala. Kung hindi pa ako tumingin sa Starbucks Planner ko di ko pa malalaman. Kasi diba may card ekek pa dun. Kaya nung pumunta ako sa National Quezon Ave kaninang hapon binilhan ko siya ng gift. (Actually, sa Music One ako bumili ng gift. Kaso sa National kasi talaga ko pumunta. Hehe.) Nakita ko nga si ano e.. *teka isasearch ko sa internet ang pangalan niya* Alwyn Uytingco. Yung ka-love team ni Jill Yulo sa Maria Flor de Luna. Wala lang ang dumi ng itsura niya in person. Hindi siya katulad ng iba na kapag nakita mo e dashing talaga dahil ang kinis ng mukha. Wehehe. Ewan. Basta ang dumi ng itsura niya in person. O baka disguise niya yun. Haha. AS IF. Akala mo naman kung sino siya para mag-disguise. E kailangan ko pa nga i-search sa internet ang pangalan niya para malaman ko kung sino siya.

Anyway, nung pauwi na kami, sabi sa akin ni driver-bodyguard-ni-Papa, ayus-ayusin ko na daw yung lisensya ko at master-in ko na ang driving kasi may nakita na daw si Papa na magandang sasakyan para sa akin.
Ako: O? Mazda3? (Tinawanan ako ni Kuya nito, siya kasi Mazda3 din gusto niya. Amp)
Siya: Hindi.
Ako: Ano?
Siya: Yung suzuki.. maganda,
Ako: Yung maliit?
Siya: Oo. 400,00 lang.
Ako: Ay sus, kaya naman pala maganda. Mura.
HAHAHA. Sa totoo lang. Pero in fairness naalala ako ni Papa nung makita niya yung sasakyan. Yun nga lang hindi ko naman gusto yun. Dati Jazz yung gusto ko kasi nagsawa na ako kaya Mazda3 na lang. Tinanong ko kung bakit bibilhan na ako e si Kuya wala pa, e siya naman yung panganay at magaling na. Kanya daw yung Revo, pangragasa niya. Kawawa naman. HAHAHA.

showbiz, car, father's day, family

Previous post Next post
Up