Dec 19, 2006 21:50
Real Pinoy Fighter. Di ko alam kung sino kumanta. "Kinapa" ko lang yung lyrics. At sa TV ko lang yan napapanood.
(chorus)
lakas at tatag saan ang pagkukunan
dugo at pawis yan ang amin puhunan
sumunod sa yapak ng mga bayaning hinirang
Real Pinoy Fighter, wala na `tong atrasan
1
ilang beses ba dapat sabihin sa mga tao
labanan na lahat wag lang ang pilipino
dahil ang mga pinoy ang mga tunay na tigas
matapang na tao, di umaatras
pinanganak ako sa pinas, galing sa lahi ng mga matatapang
di pa ginagawa ng diyos ang araw na kami ay uurong sa laban
sino ba ang gustong sumubok, sino gustong magtangka
o, digmaan na `to, bawal ang puro salita
wala akong takot, dibdib ko'y hindi kumakabog
kahit sinong itapat mo sa `kin, pauuwiin ko ng tulog
hindi ako titigil hanggang meron pang natitira
pagkatapos ng lahat ay ako lang ang maiiwan na nag-iisa
chorus
2
eto ang tunay na utak ng mandirigmang pilipino
di uurong, di susuko sa kahit pa kanino
ipapakita ang lupet sa larangan ng pisikal
na kung saan ang talunan ay diretso sa ospital
isang maling galaw, maling posisyon, maling desisyon
yan lang ang katumbas para masirang misyon
sa perpektong uri ng banatan, malabong kaming lampasan
matapang, matalino ang pinoy di kayang pantayan
subukang sabayan sa dami ng `yong paraan
tiyak at garantisado uuwi kang luhaan
tama na salita simulan na ang aksyon
Real Pinoy Fighters nakatatak sa aming dugo
chorus
3
eto palita, eto palamang ang simula
gamit ang angking galing at ang aking paniniwala
sa diyos na may kapal, wala nang makakapigil pa sa atin
kahit magsama lahat ng gustong humamak, di na tayo kayang awatin
pakinggan ang aking awitin, tandaan ang bawat salita
kahit sinong hurga, di na tayo kaya pang magiba
kami ay lalaban kahit sugatan, mapapawis ng dugo
ang pilipino ay maaalala sa bawat sulok ng mundo
kami ay di nasisindak, walang takot sa bugbog
walang makakapagpahiga sa aking puso dahil buo ang loob
kaya ipakita nyo na sa akin kung sinong gustong mag-angas
na lalaban sa pilipino, lahi ng tunay na tigas
chorus
wala na `tong atrasan
:P