gas problem reprise

Jul 03, 2008 13:13

so i was gassing up a while ago about 30 minutes past midnight, just because i read somewhere that you could get a few droplets more when the temperature's lower. anyway, the first thing the gas boy said to me was, "full tank sir?"

i wanted to shout back at him, "are you being intentionally dense? don't you read, or at least, watch the news? can't ( Read more... )

Leave a comment

Medyo mahaba to ext_80400 July 7 2008, 12:34:57 UTC
Alam nyo ba sa US isa sa mga iniisip nilang paraan para bumaba yung presyo ng langis eh taasan yung tax dun? Medyo weird pero maganda yung logic nila eh. Pag tinaasan pa nila yung tax, tataas yung presyo at pag tumaas presyo baba yung demand. Kasunod dapat non baba yung presyo. Pero gone are the days when the Americans can cut back on their oil consumption and the prices will ease.

Anlaking sakit sa ulo to ng buong mundo at walang magagwa ang iisang gobyerno lang. Kung ang US nga sa ngayon walang magawa lalo na yung gobyerno naten. Sobrang lakas kasi ng demand ng China at India tapos wala pang makitang bagong mga oil wells tapos yung teknolohiya para alternative energy sources mga 50 years pa siguro bago talaga maging efficient. Kaya kahit anong gawing rally ng mga militante walang mangyayari.

Tsaka sang-ayon ako kay Martin na yung pagtaas ng taxes kailangan talaga, unpopular but unnecessary. Given na inefficient pa din yung tax collection tsaka rampant pa din yung corruption pero anlaking bagay na nadagdagan ng dalawang porsyento yung tax ceiling. Sabihin na naten lumaki yung nakurakot pero nadagdagan din yung pangasos ng gobyerno (ang assumption ko eh hindi naman lahat nakakain ng corruption yun Hehehe.)Kung i-rollback nila yung taxes siguro magkakaron ng immediate relief pero dahil mas mura gasolina tataas lang ulit demand nun. Sa huli babalik lang ulit yung mahal na presyo ng gasolina tapos nabawasan pa yung pera gobyerno naten na pang-gastos sa ibang social services.

Sa ano nga bang solusyon? Kung me langis nga sa Spratlys at pwede naten minahin malaking bagay. Ayus din kung yung mga OFW naten sa Saudi isang covert branch ng armed forces naten na may mandatong sakupin ang Arabi kapag sobrang taas na ng langis. Eh since hindi mangyayari yun, ang magagawa na lang naten eh ang mag-usap tungkol dyan sa blog. Hehehe.

PS

Kapag popcorn mode ba kelangan talaga me popcorn na kinakain? Pano pag cornik lang o kaya nagsubo ka lang ng isang dakot ng mani? Considered ba yun na kornik at ani mode? Pano kung gusto mo lugaw pwede din ba yun? Gusto ko sanang kay Mr. Laruku itanong kaya lang baka mabadtrip eh. Hehehe.

Reply

Re: Medyo mahaba to dehydrationblog July 7 2008, 16:01:17 UTC
hindi ko pa rin matanggap e. masyadong masakit sa bulsa e. i'll take that immediate relief.

buti pa nga sa states at may option na sila ng hybrid vehicles na mababa ang konsumo sa gas. isama mo na rin diyan ang efficient bus at train systems nila. mas ganado ka rin maglakad ng medyo malayo kasi hindi ka maliligo sa pawis. dapat nga di mataas konsumo nila e..

may sinasabi sila lagi na lugi pa raw ang oil companies ng 7 pesos or so, e bakit wala akong nakikitang naluluging oil station. mas marami pa nga nagbubukas e, nagkakaroon pa ng starbucks...

tungkol naman sa popcorn mode, salted lang ba yun, or included na rin yung cheese, barbecue, or sour cream?

Reply

Re: Medyo mahaba to ext_104153 July 8 2008, 08:41:17 UTC
tama si pao! mabuhay ka paolo! pero okay din yung logic ng mga Kano.. 'di nga lang applicable dito dahil kung gagawin yun dito sa 'pinas, siguradong riot sa lahat ng sulok ng bansa..

hope for the best na lang tayo mga friends....

anyhows, sa aking expert, ego-based opinion naman, lahat ng klase ng popcorn e qualified for popcorn mode.. yung kornik at mani at kung anu-ano pang pagkain, iba na un.. kornik mode siguro

Reply

Re: Medyo mahaba to ext_80400 July 8 2008, 12:47:22 UTC
Oy ako nag-comment Martin di si Pao. Hehehe. Sigurado di nga pepwede sa Pinas yung taktikang yun unless may suicidal tendency si si Gloria. Pero kakainggit kasi ung magkagipitan meron silang ganung alternatibo. Dito bike tsaka kalesa ang option naten.

Sa ngayon talaga walang magagawa gobyerno. Kahit tanggalin pa nyan lahat ng tax sa langis hindi naman siguradong baba yung presyo ng benta ng mga Arabo. Tska malaki yung tsansang bumalik din sa ganung presyo langiskasi pag natanggal yung tax dun kukunsomo yung mga tao ng langis na parang normal lang when in fact kailangan na talagang magtipid sa konsumo kasi nangunguluntoy na yung supplies dahil sa sobrang lakas ng demand ng Tsina at India (kunf meron man dapat sisishin itong dalawang to. And take note, gumawa sila sa India ng kotse na sobrang mura na tyak daw nakakadagdag sa demand pressures sa langis kapag naintroduce a sa markey kasi magsi-switch daw dun yung mga Indian mula sa mas matipd sa langis na mga bike nila. JUSKOPONGMAHABAGIN!)

In a way yung mataas na presyo regulation mehcanism din. Kung sobrang taas na nyan mapepwersa yung mga taong de sasakyan mag-mass transport o mag-carpool dahil hindi na talaga cost effective mag-isang babayahe sa sariling kotse. Hindi rin pwede mag-subsidize gobyerno kasi ibubunton mo naman sa mga tao pati sa mga ibang di naman direktang kumukunsom ng langis yung mtaas na halaga nya na hindi rin naman tama.

Kaya oo, hope for the best na lang kaya nateng gawin sa ngayon.

Reply

Re: Medyo mahaba to dehydrationblog July 8 2008, 14:19:06 UTC
may magagawa pa rin diyan. bat di idevelop yung alternative fuel at iba pa? tagal nang prinisenta sa malacanang yung hybrid vehicle. mukhang nabubulungan lang si gloria ng mga oil tycoons

Reply

Re: Medyo mahaba to ext_104153 July 8 2008, 23:01:27 UTC
oo nga, si don pa la yung nag-comment na yun.. kaya pala ultra-serious.. nyahahaha.. pasensya na karaoke man, oversight lang... wag naman sana maapektuhan ego mo...

anyways, pati mga commuters naaapektuhan ng gas problem...bukod sa taas pasahe, dumadami na tuloy sumasakay sa lrt..

may na-invent na kotse na de-tubig diba? (or something to that effect) yung binili ng japan sa inventor na pinoy ung rights dahil ayaw suportahan ng mga pinoy..

ung sa retiree celtics, ok lang na oldest team sila basta mag-back-to-back..

Reply

Re: Medyo mahaba to ext_80400 July 9 2008, 13:20:48 UTC
Sa tingin ko medyo malabo yun. Ang masaklap na katotohanan eh yung mga pinaka technologicallly advanced na mga bansa eh taon pa ang layo sa pagkadiskubre ng viable alternative sa langis. As for hybrids, sa mga mayayamang bansa nga marami ng namamahalan sa dun kaya tyak mas madaming hindi makakabili nun dito. Tsaka sa tingin ko nasa interes din ng mga malalaking oil companies yung hybrids kasi karamihan sa kanila meron din investments sa biofuels industry.

Pero sa tingin ko talaga mas mapag-uusapan ng mayus to habang nagpo-poker at umiinom. Hehehe

Reply


Leave a comment

Up