Jun 08, 2008 10:14
Bullets sa mga nangyari ng pinakamatinding roadtrip ng taon
- Thursday ng gabi: Kahit 2 storya pa lang ang umeere sa saksi, umalis na ko ng opisina dahil alas dose na. Kailangan ko nang pumunta kina miko at nandun na silang lahat.
- 1220 ng biyernes: dumating na kina miko. Naglalaro si don at martin ng nba live. Andun na rin si pao habang natutulog na si bim. Dahil gising pa ang diwa ko, sumali na rin ako at nakipaglaro ng 2 games bago subukang matulog
- Bago pa man ang roadtrip na to, naisip ko na na mahihirapan akong makatulog na kahit ilang oras man lang dahil sa mga rason na ito: namamahay ako, insomniac ako at hirap talaga matulog, at magiging excited nga ako, kayat inisip ko na rin na dalhin ang sleeping pills ko. Kaya lang, magiging matamlay naman ako paggising at baka madisgrasiya pa kami sa daan. Ayun nga, dumating ang 5am, di ako nakatulog
- 545am: tumulak na kami papuntang zambales. 2 kotse ang ginamit naming dahil di kami makahanap ng auv, van, suv, pison, helicopter, at kung anu pa mang pwede naming sakyan lahat.
- Tumigil kami sa isang shell sa nlex para kumain sa Jollibee. Medyo tumagal kami dito dahil mahaba ang pila sa gas, kumain, bumili ng yelo, nang-mata ng mga seksi, at tumae na rin yung iba.
- Lumipas ang humigit 1 oras, dumating na rin kami sa pinakabago at pinagmamalaki ng bansot na pangulo na sctex. Sa totoo lang, maganda nga naman. Isang highway lang ito na tuloy tuloy mula Pampanga hanggang sbma. Laking tipid din sa gas kasi di ka na dadaan sa masikip na provincial highway sa Pampanga at bataan. Bumutas nga lang sila ng ilang bundok pero kung para sa ikauunlad ng bansa e bakit nga naman hindi diba?
- Maganda rin kung dadaan ka ng sctex ngayon, kasi wala pang mga gas stations at mga billboards sa buong 80 kilometrong haba nito mula Pampanga. Wag ka na rin mag-aircon. Mas masarap ang preskong hangin.
- Speaking of hangin, masarap din magyosi habang nagmamaneho sa sctex kasi diretso lang.
- Medyo naligaw kami palabas ng sbma, sa dami ng gate dun. Pero nakalabas naman kami sa may sementeryo ng olongapo.
- Nagkalituhan din kung san talaga kami liliko papuntang san Antonio. Nakalimutan ko kasi kung san narciso o san marcelino ba yung bayan nay un. Tinawagan ko pa kapatid ko para magsearch sa net kung sang bayan bay un. Tinanong ko rin kung ano na ang score ng lakers-spurs noon. Baka naman finals na ang lakers di pa ko nagsasaya.
- Lumalabas, may road sign naman pala papuntang san Antonio.
- Mga 10am nang dumating din kami sa nora’s resort sa pundaquit. Papunta pa lang, alam mo nang liblib yung lugar dahil maliit lang ang daanan para sa mga sasakyan at umiikot sa mga bundok.
- Unang agenda ang pagpapabaga ng ihawan. Sa 3 araw na nasa zambales kami, 4 na beses kaming nag-ihaw. Kaya yung huling pabaga naming ng sabado ng gabi ang pinakamaganda
- 12pm nang kumain kami sa may seaside. 2 taon na kong di nakakapunta ng beach kaya refreshing talaga para sakin nang makapunta kami dito.
- Matapos kumain, gaya ng dati, nagpoker kami. 100 dapat ang entrance fee bawat isa pero naibaba ito sa 50. Sayang, nanalo sana ako ng 500. Signature move ni don ang pag-all in sa mahinang baraha (namely pardos).
- Nagswimming na kami pagkatapos nito. Malalim at maalon talaga ang mga dagat sa zambales. Nagskimboard ang iba. Pero mahirap talaga kasi malakas ang alon. Pinapasiklaban tuloy kami ng mga batang dagat dun. Ok lang, mas cool naman yung dalang skimboard ni pao.
- Nang mapagod na, bumalik na kami saming resort at sinimulan nanaman ang pagbabaga ng uling. Pinakita ni martin ang kanyang pinagmamalaking pagbaga sa pamamagitan ng kandila. Epektib naman.
- Pagkabalik din nalaman ko na pumasok ang lakers sa nba finals. Napakagandang weekend nga naman
- Liempo ang ulam (kelan ba hindi) sinamahan ng kamatis, talong, at itlog na maalat. Nakakagutom alalahanin to ah.
- Matapos nito, karamihan samin ay bumalik sa kwarto upang kwentahin ang nagastos na namin. Dito kami nagulantang sa kalokohan ng palabas na lobo. Noon ko lang napanood ang lobo at sobrang walang kwenta nga talaga ang telebisyon sa pilipinas. Nawawala pala ang damit ng mga taong lobo pag nagpapalit sila ng anyo. Saka bakit mukha naman silang aso, hindi lobo. At bakit hindi nalang si angel locsin yung laging magpalit anyo para makakita naman kami ng konting balat. Puro si ryan eigenmann nakikita naming.
- Dahil pagod ang lahat, napagkasunduang umidlip muna hanggang mag alas diyes para maginuman. Ito na ang pinakamalaking pagkakamali na aming ginawa.
- Nang mangising si martin, napabangon din ako. Pero dahil walang tumatayo. Bumalik na rin ako sa pagtulog. Matapos ang 5 minuto, naghahataw na ng kaldero si martin. Tumawa lang ako pero di tumayo.
- Pag gising ko dahil sobrang lamig, madilim na. Natuluyan na nga ang lahat. Pagod e..
- 8 ng umaga nang marinig ko si don na nagtatanong kung tutuloy pa ng anawangin dahil nagtatanong ang bangkero. Siyempre tuloy. At habang nagaalmusal, nag-contemplate kami sa kalokohan naming ginawa nag pagtulog lang.
- Kinuwento rin ni martin ang kanyang eventful night. Uminom siya ng beer, nagbilyar, at nagpapicture pa sa kanya yung mga bisita sa kabilang kwarto.
- Matapos ang ilang preperasyon, nakasakay na rin kami ng Bangka papuntang anawangin. Mabilis magpatakbo ng Bangka ang nasakyan naming nina don at martin. Parang may hinahabol. Pero kahit ganun, nakapagsight-seeing pa rin kami sa tinatagong ganda ng zambales.
- Nang makapasok na kami sa cove at tanaw na naming ang pine trees at white sand ng anawangin, tinanong kami ng bangkero kung san naming gusto dumaong. Kung sa may bayad o sa wala. Sa may bayad, may lamesa, cr, at poso. Higit sa lahat, may ihawan, kaya siyempre, dun kami.
- 5 minuto pa bago nakarating ang kabilang Bangka kasama ang ilan pa naming mga kaibigan.
- Nang makausap na namin si marlon, ang caretaker sa lugar, sinimulan na ng ilan na magpabaga (nanaman). Nagswimming ang iba, at nagmuni-muni na rin. Sobrang maganda talaga ang lugar. Nakapunta na ko sa boracay, pagudpud, davao, batangas, at sentosa island sa Singapore. Pero iba talaga yung ganda ng anawangin. Siguro mas maganda talaga ang buhangin sa boracay, pero kung nature talaga ang trip mo, eto ang dapat mong puntahan.
- Anomalous talaga ang mga pine tree dito. Nang makakwentuhan ko yung isa sa mga editor sa aming opisina martes ng gabi, nabanggit niya na may mga rumor na tumubo lang daw ang mga pine tree sa lugar matapos sumabog ang Pinatubo mahigit isang dekada na ang nakararaan. Sayang di naming natanong yung mga tao sa lugar tungkol dito. Pero ang teorya ko, siguro noong nagkaroon ng ash fall, nasama na rin ang ilang buto ng mga pine. Dito bumagsak kaya yun ang nangyari.
- Habang sila ay busy sa pagbabaga at pagligo, naglakad-lakad ako sa likod ng camping area. Nakakita ako roon ng ibon na kulay asul na hindi ko alam kung anung breed, basta maganda. Naglakad ako hanggang umabot ako sa isang batis. Balak ko sana pumaloob pa sa gubat kaya lang nakakita ako ng bayawak kaya natakot na ko
- Matapos kumain ay nagpoker ulit kami. Sa anawangin leg ng poker, malas ang mga baraha ko, at maganda naman ang sa iba. Si martin ang nanalo sa round na ito.
- Uminom na rin kami ng napakasarap na beer na aming pinalamig sa dala naming cooler. Tama ang sinabi ng mga kaibigan ko: friends + beer + beach + poker = di maexplain na kasiyahan. Umabot ito sa biro na dapat nalang kaming maging bangkero sa lugar.
- Matapos ang poker, nagexplore naman kami sa cove. May mangilan-ngilang grupo ng mga campers sa lugar na walang bayad, at meron namang naka-cordon na lugar doon. Hanggang dumating kami sa napakagandang ilog sa likod.
- Sa ilog, may parting mababaw na parang baha lang, at may parting malalim na hanggang pata. Malinis ang tubig dun. Di lang naming sinubukang inumin kasi... malay mo kung ano meron upstream. May mga isda rin dun. Kita rin ang lamat na iniwan nang nakaraang bagyo dahil nabunot ang ilang malalaking pine tree. Napapaligiran din ito ng mga bundok na kinurba ng bulkan. Napakaganda talaga.
- Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad downstream hanggang umabot nga kami sa lugar kung saan nagtatagpo ang ilog at dagat. Estuary nga raw sabi ni pao. Dito tinikman ko yung tubig kung san talaga banda umaalat yung tubig. Medyo magulo
- Sa parte rin nito nagkaroon ng mini-jackass game kung saan nakapulot kami ng hermit crab at sinubo nina pao at bimbo ito sa kanilang bibig.
- Dito nagswimming nalang kami sa pagod sa kalalakad. Nagskimboard na rin dahil perpekto ang kondisyon para dun. Sinubukan ko na rin magskimboard. Sa totoo lang, sa 3 beses kung subok ay nakasakay na ko nang matino. Yun nga lang, ang nakunan sa camera ay ang napakaganda kong wipeout.
- Tahimik lang akong nakahiga sa may pampang nang magskimboard si don sa dakong harap ko. (aksidenteng )Tumalsik ang board niya at tumama ng solido sa braso ko. Nice. May malaki akong pasa ngayon.
- Buong paglalakad naming sa beach, hinahanap talaga naming ang paakyat ng maliit na bundok sa cove para naman makita naming ang malupit na view at makapagpicturan din. Pero wala talaga kaming nakita. Maya-maya, habang kami’y nagbababad sa dagat, may ilang mga grupo ng kararating na babae na biglang umakyat sa dakong gilid ng isang bundok. Reaksyon naming: “dun lang pala yun.”
- Sumunod na kami sa pagakyat para makita nga ang bird’s eye view ika nga ng lugar. Sumunod na rin si martin dahil raw nakaamoy ng babae. Hehehe
- Mas nakakatawa pagbaba. Habang nakaupo at sobra ang hawak nina don at martin pababa, ang mga babaeng aming sinundan ay effortless na naglakad lang pababa. Sabagay, kung nadulas sila e dire-diretso sila sa mga batuhan sa baba at sa gate ng langit. Safety first
- Nang mag alas singko na, kinailangan na rin naming umalis. Pero bago yun ay uminom ulit kami ng napakasarap ng ice cold beer. Binigyan na rin naming ang aming mga bangkero
- Pagbalik sa pampang ng resort. Nagswimming ulit kami sandali. Hindi dahil nabitin kami sa tubig, kundi dahil may mga sexy na naliligo.
- Pabaga ulit
- Di na kami nahiga ulit. Dumiretso nalang sa inuman. Dito napagusapan naming ang mga malalalim na bagay tulad ng lkasjdasdhhouiofs at si aslkjpofsdifjlkjashfd, at kung ano ano pa
- Kinabukasan, nagprepare na kami ulit. Dahil gutom, dumaan muna kami sa yellow cab sa smba para kumain ng napakasarap na pizza.
- Sinubukan din naming hanapin ang bunjie jumping sa subic. Pero 5 taon na palang wala yun.
- Habang umuwi, dito na nangyari ang dent sa napakagandang road trip. Ayoko na pagusapan kasi nadedepress lang talaga ako