Huwag niyong basahin nang hindi magsayang ng oras :)

Jan 12, 2007 11:59


Huwag basahin ang mga sumusunod kung hindi mo balak magsayang ng oras.

Parang.. dapat yata Tagalog ang gamitin ko sa mga susunod na entry dito. Hindi ko alam, parang masaya siguro 'yon. Bakit nga ba ingles ang ginagamit ko sa mga nakaraan kong lagay? Hmmm. Baka dahil mas madali mag-ingles kapag nagsusulat o sa situwasyong ito, pagtatatayp (tf?! haha).

Ay hindi pala maaari. Paano naman ang kaibigan kong nagbabasa mula sa New Jersey? Hindi na niya mauunawaan ang mga pinaglalagay ko, malamang. Ano beh. Hahaha.

Oo, wala akong magawa. Wala! Wala, wala. Walaaaaaa.
Hindi na naman ako pumasok muli sa aking klase. Bakit? Hindi ko rin alam.
Ako ay isang "adik" pagdating sa pagliliban ng mga klase. Masama 'yon, alam ko. E ganoon talaga.

Nakakapanibago magtayp(?) sa ating wikang pambansa. Subukan n'yo, parang... basta, iba. Hahahaha. Hindi ko maipaliwanag! Kaya ayaw kong nagkakaroon ng mga klaseng Tagalog ang ginagamit bilang medium of instruction e. Kailangan mong magpasa ng mga papel at sumagot ng mga pagsusulit sa Tagalog. Mahirap 'yun. Pero sa pananaw ko 'yun, siyempre. Kaya 'wag maki-alam. Hahahaha.
Previous post Next post
Up