Jul 19, 2008 18:34
Pahina- Allan Popa
Iniibig kong mabuhay sa loob
Ng tulang mahal sa buhay
Upang takasan ang tunay na buhay
Ngunit maligalig ang espasyong
Naninikip sa katiyakan
Una kong itinapon palabas ang mga talinhaga
Upang umalinas ang aking paghinga
Isa-isa silang naglahong parang bula
Mula sa aking mga kamay
Walang humpay akong nagbuhat
Araw-gabi, hanggang malubos
Ang mabibigat na salita liban sa akin
Doon ako mahimbing na namahinga
Sa lihim ng blankong pahina