Nakakatawa sila...

Mar 16, 2007 07:37

Bakit ganun ang mga guys, pag-inlove, nagiging baduy? Haha! I shouldn’t generalize, because some guys stay the same, and women, too, tend to be corny when they are in the spirit of love… but what’s funny is that how I witness the transformation among my super angas high school classmates…

Oo, nung high school, sila ang mga pinaka-angas. Crush ng bayan, heartthrobs, at “populars.” Tipong manliligaw lang sila para masabing binata na sila. And then they would be bad to the girl, and dump her. Pero somehow, sila pa rin yung nagiging “cool” dahil dun. Girls hate them, boys adore them. You know the type.

Pero ngayon, ano na sila? Ang primary pic sa friendster ay mga kung ano mang cutie-cute na stuffed toy, ang “about me” ay isang love song, ang photo gallery ay puno ng mga linya, kundi galing sa mga mushy na pelikula, ay sa mga kanta pa rin, nabibinyagan na ng mga petnames tulad ng “baby”, “sweetie,” at kung anu ano pang imbentong pagpapacute ng girlfriend nila, at marami pang pagbabago. Nakakatawa lang kasi hindi ko akalain na “pag-ibig” lang ang makakapagpabago sa kanila. Nakakatawa kayo. Hahaha! Pero I find it cute… :P
Previous post Next post
Up