alam mo yun?

Jun 24, 2006 01:28

Alam mo yung umalis ka ng bahay nang walang payong kasi sabi mo sa sarili mo hindi naman uulan bilang maaraw kasi sa lugar niyo (tulad ng Pacita)?

Alam mo yung pagbaba mo sa pampublikong transportasyon na sinakyan mo (tulad ng MRT) e biglang umulan?

Alam mo yung paglapit mo sa destinasyon mo (tulad ng UP) ay lalo pang lumakas ang ulan?

Alam mo yung bababa ka sa pinakamalapit na bilihan ng mga bagay-bagay (tulad ng SC) para bumili ng payong dahil mas basa ka pa sa basang sisiw?

Alam mo yung sakto sa natitira mong pera pauwi yung payong na pinakamurang nakita mo (tulad ng 100 pesos) pero binili mo na rin dahil inisip mo bahala na si Batman?

Tapos alam mo yung pagkabili mo ng payong at ginagamit mo na habang nag-antay ng jeep (tulad ng Ikot) at wala pang mga limang minuto e biglang TUMILA YUNG ULAN?

TAPOS, alam mo yung nung pag-uwi mo, naiwan mo sa sinakyan mong bus (tulad ng BBL) yung letseng payong na yun?

ALAM MO YUN?

Anong tawag dun???

--

Kung kelan pa naman kami gipit sa pera. Seryoso, gipit talaga. Higpit-higpit ng sinturon kami sa panahon ngayon bilang marami ang mga pinaggastusan ng aming pamilya sa mga nakaraang buwan (tulad ng kuryente bilang aircon ng aircon dahil mainit).

Pero hindi ito goodbye 100 pesos. Dahil alam kong sa second to the last row sa left side ng BBL bus number 3038 ko siya naiwan. So there. Pag di ko nakuha ulit yun, tutuhugin ko ng payong yung kundoktor.

Tapos alam niyo yung payong na yun e yung tipong kailangan bitbitin? Oo, hindi siya yung maliit na nailalagay pa sa bag. Mahal kasi sa SC yung mga maliit na payong. Kaya yun na lang yung binili ko. Purple kasi e.

--

Siyet. Ngayon lang tumama sa'kin.

Miss ko ang UP. Ang masscomm building. Ang UP Film Institute. Ang UP CINEMA. Ang pagtambay sa lobby. Ang pakikipag-usap ng mga walang katorya-toryang bagay. Ang panlilibak. Ang pagtatawanan.

Siyet.

Medyo naramdaman ko na, sana estudyante pa rin ako.

harhar my life is so amusing, i miss being a student

Previous post Next post
Up