Ulaaaaaan!! Sinong 'di mapapasigaw!?

Jul 12, 2006 06:25

Bad trip.

Nagpupururot ang langit

Pucha. ang lakas ng ulan. Alas singko palang gising na ako

WALA KANG KWENTA FLORITA!! HANGIN LANG YAN!! GINISING MO PA AKO!!!!

Ang lakas talaga, may kidlat pa. parang horror movie. Kaso lang ... kaso lang...

hindi tama para mawalan ng pasok. Sumilip ako sa labas kanina. Ang tatag ng kalye namin, walang kabaha-baha. Parang na-flush yung DAMI ng pumatak na ulan na yun.

*buntong hininga*

Hay nako... kawawa naman ang mga tao. Kawawa naman ang mga taong nagpuyat para sa tesis. Tinamaan lang ng jebs ni Florita. *buntong hininga*

Alas syete na, puno na daw ang ortigas. Ayos. Papasok ba ako ng maaga o hihintayin ang luha sa mga baradong kalye ng katipunan?
Previous post Next post
Up