Dear DW,
Alam mo bang sobrang sama ng loob ko kanina. Hindi dahil sa hindi ako nakatakbo sa ilog pasig kasama mga bago kong kaibigan... kundi dahil sa kum paano nagreact ang pamilya ko sa desisyon ko. Isa lang naman ito sa mga problema ko, maliit lang to I know, pero kung sa maliit na bagay nga eh hindi ni ako maintindihan paano pa kaya pag big deal na? E kasi ung reaksyon nila nung nagpaalam ako 2weeks ago is like. . . "Okay bahala ka" Though hindi talaga ako nakatanggap ng maayos na sagot. Tapos ayan kahapon ng gabi ansaya nila sa desisyon ko, feel ko naging proud tatay ko. Tapos tnatanong na nila ako kung saan ang starting point... tapos wala biglang umihip ang masamang hangin wag na daw next time nalang daw, magpahinga na daw ako (i know may sakit kasi ako.) AT WALA DAW AKONG TRAINING D KO DAW KAKAYANIN lagi daw kasi akong nadadapa. Lagi akong nadadapa I know pero di ako lampa shet! Tapos nung dumating si Kuya, sinabi pa nya na "Di mo sinabi saking seryoso ka." And I was like.......... fine. Yun ang pinaka nakakaoffend sa lahat ehh. Promise, kung meron man akong ayaw manahin sa pamilya ko e un ung pagging talkshit. Ayoko kasi ng nagsasalita ako tapos hindi ko naman tinutupad. Ilang beses ko naman na yun sinabi sakanila... muka ba ung hindi seryoso? Really. Ung reaction nila as family. Maybe they also thought na hindi din ako seryoso sa Japan kaya oo, hinde sila. AS IN... IKAW BA NAMAN TEH MAGPAALAM KA HINDI KA NAMAN PALA SERYOSO TANGA MO NAMAN.
Feel ko kasi hindi na ako parte ng pamilyang yon eh, oo pinapagaral nila ko, nagbibigay sila ng sobra pa sa pangangailangan ko.... pero pwede naman un gawin ng mga mayayamang nagpapaaral diba? ung hinahanap ko kasi e ung tiwala at pakikinig sakin. un lang naman eh. Kasi hanggang ngayon ramdam ko, after kong magreflect, pag nga pala dati, hindi sila naniniwala sa sinasabi ko, akala nila nagsasabi lang ako ng bagay kasi gusto ko lang ung parang wala lang... kaya nga most of the time diba sinisikreto ko nalang mga gusto kong gawin kasi baka mamisunderstood na naman lalong di ko magawa.
Ewan ko, feel ko ang bagay na sinuportahan lang nila sakin ay ang pagvviolin ko. Sorry parents! Di ako naging hasler.
Cguro ito ung una kong entry na hindi ko mareresolve ang feelings ko after ko pindutin ung "post entry" sa baba.
Alam ko din namang may problema din sakin, sana patuloy akong tulungan ni Lord para magtimpi pa.
Natawa ako sa sarili ko kanina, habang nagwwidthraw tatay ko umiiyak ako sa nanay ko tapos tinatawanan nya lang ako. I feel so hopeless and pathetic. Feel ko psycho na din ako. Feel dn na ang tingin na sakin ng mga kaibigan ko e ung pinakaayaw kong tingin na "sabi nya ppunta sya hindi naman pala." kasi nga ayoko ng talkshits! talkies at kung ano pa pwedeng itawag.... pero ngayon nararamdamn ko sa sarili kong ganun na ako dahil sa pamilya kong ganon ang tingin sakin. Tara iyak tayo. Hahaha. Pero medyo okay naman na ko pala nakakaen na kasi ako ng Mcdo cheesburger at mcflurry. :DD
NOTE:
This entry was originally posted at
http://www.dreamwidth.org/12345.html