102611

Oct 26, 2011 18:25

 Medyo nareslove ko na yung problema ko tungkol kay Priestess. :DD Habang nakikinig ako ng radyo kanina sa FX sabi ni Christindera kung lagi mo daw iisipin ung taong... alam mo na lalo kang hindi makakamove on. Anyway. Hindi naman un ang point ko sa entry na ito.

Mayroon akong daalwang bagay na narealize netong mga nakaraang araw.
Masyado na kasing madami ang cases ng krimen ngayon. Kahit dati pa naman kaso ngayon .. puro patayan at rape ang maririnig mo sa Unang hirit (Sorry naman. Unang hirit kasi palabas sa bus twing umaga) E aun. Minsan mismong mga pulis pa ang mga gumagawa ng kalokohan. Kaya naiisip ko, siguro kung may passion ang bawat tao sa trabaho nila magagawa yun ng tama. Meron kasing mga taong napipilitan lang maging sekyu o pulis. At ung mga tunay na gusto magpulis ay baka pinagaral ng engineer o culinary. Kaya pagdating ng araw kawawa ung mga taong sinisilbihan nila. Paulit ulit yan eh. Kaya sana ung mga magulang binigay nila sa mga anak nila ang desisyon kung ano ang gusto nilang gawin. Ang point ko lang.... kung lahat ng police officers, enforcers at kung ano ay dedicated sa trabaho at hindi nababayadan ng kahit gano kalaking halaga siguro safe maglakad sa Ermita kahit gabi ngayon. Hindi ka matatakot magshopping sa Divisoria at Recto kasi imbis na makamura ka e maholdap at manakaw naman ang perang pinagipunan mo. 
Sa totoo lang. Natatakot ako. Kasi baka mamaya may manutok sakin ng balisong o baril at baka hindi ko magawa ung iniisip ko. Ung iniisip ko kasi tatanungin ko cla ng Bakit hindi po kaya kayo magtrabaho? Tutal malakas at matalino kayo. Nakakagawa nga kayo ng mga strategy eh. Maraming kumpanya diyan na kelangan kayo. Hindi man lang kayo naawa sa mga magulang ko? Hindi sila nakatapos pero nakapagaral kami ng kapatid ko sa magandang school. Kaya nyo rin yan. Hindi uunlad ang mga taong gumagawa ng masama
As if kaya ko. Pero yan talaga gustong sabihin sakanila. As in. Pramis. XD Kaso baka matigok na ako bago ko pa yan masabi. Pag sinabihan nila ako ng shut up gusto ko din sumigaw. Kasi kung hindi ako kikibo, para ko nlng din kinonsinte ung gngawa nya at makakatakas pa sya at mambibiktima pa siya ng iba. Pero sana wag ito mangyari sakin at sa pamilya ko. Patnubayan mo po kami Lord.

Sunod naman. Narealize ko din na masuwerte parin pala talaga ako. Tulad ng sabi ni Ate Tisha, buti pa ako nakakahanap ako ng paraan para maresolve ko lahat ng drama at problema ko sa buhay (un ay ang pagpopost dito at pagbabasa ng libro pag may gngawang katangahan sa buhay. trivia:Natatapos ko lang basahin ang isang libro khit gaano pa kakapal kapag may problema ako. Parusa ko un sa sarili ko eh.). Ngayon kasi meron akong dalawang friends na nagaaway dahil sa misunderstanding. At ayun nga. Hindi nila maresolve ang problema nila kasi ewan ko ba... nakalimutan ko na gusto kong sabihin. XD Meron kasing mga taong mappride. Minsan kasi kailangan mong magpakumbaba. Sakin kasi, mataas din ang pride ko, pero mag gugustuhin ko ng lunukin pride ko kesa mawala sakin kaibigan ko. Kahit isang kaibigan lang. I know. Di lahat ng tao katulad ko. Pero alam mo yun. gusto ko tumulong. Kasi kum mababasa nyo ung mga entry ko dating dati pa sa LJ ganun din ang sitwasyon ko. Ayoko din naman kasing maging pakielamera. Pero mukang ganun din ang kalalabasan ko. Sana magkaayos na sila. Hindi naman sa masyado akong affected sa dalawang ito, at dahil paulit ulit nga ako sasabihin ko ulit PANGARAP KO MAGING FAIRY GODMOTHER/GENIE. Gusto ko maging masaya lahat ng tao. Kasi gusto ko lagi masaya ako. :) Kantahan ko kaya sila ng Prayer of St. Francis of Assisi? Kahit hindi maganda boses ko. HIHIHI.
Kanina nga kinausap ko ung isa sa kanila. Aktwali pareho ko clang inadvise-an na sa basahin ung Ephesians 4:31,32
Pero ung isa pala sakanila nabasa na. Kaya daw sya ngsorry dun sa isa. Anyway.... masyado akong nadala ng aking imosyon at napaiyak ako sa harap nya. Grabe. Ipekto ito ng kakanuod ng JDRAMA. Masyado akong nagiging soft.  T___T Anyway. Tulong tulong ko po tayong palaganapin ang World Peace! :D

Lord sorry po ulit! Hindi ako nakapunta ng Quiapo Church kanina. Pero pramis pupunta ako dun hindi ko lang talaga alam kung kailan. Kayo na po bahala magset ng mgandang araw para sa akin.

***Connected kasi lahat ng accounts ko pag pinost ko to.. derecho to sa LJ, tapos from LJ derecho sa tumblr then from tumblr derecho sa FB. so sorry if bother ako sa F-list nyo***

NOTE:
This entry was originally posted at http://www.dreamwidth.org/12345.html

a day, i love jesus, friendship

Previous post Next post
Up