Oct 20, 2008 22:04
Binabasa ko ngayun ang librong "Marely & Me" na pinahiram sakin nung PA nung director namin na si Julia. Bago ko umpisahan, sabihin ko lang na si Julia ang isa sa pinaka BAGETS in their late fourties na nakilala ko! 4 times divorced, pero di parin disillusioned sa lablyf (may bago syang partner ngayun) with a Lesbian daughter and a heterosexual one. Kung pano naging ganun, di rin nya alam!
Anyway highway! so eto nga, habang aking binabasa ang "Marley & Me" na kwentong ng magasawang Grogan at ng asong si Marley, naala ko yung mga naging alaga ko. Nagvary lang naman sa talong uri ng hayop lahat ng naging pets ko. Aso, Pusa, at Daga. Syempre, sa lahat ng toh, the best parin ang aso noh! Walang katulad! Sa mga pagkakataon nag nagshift ako sa daga at pusa, eh kung kinukuha na ni Lord ang alaga ko o kaya naman gawa ng kalamidad na not foreseen. Walking down memory lane, eto ang mga naging aso ko, askal, halfbreed, & no breed:
1. Si Blackie - syempre, kugn musmos ka pa, di pa masyadong "cool" ang name ng pets mo. Color coded ang identification. Simple lang. Kung anu kulay, yun narin pangalan. Regalo sya ng tatay namin sa Kaptid kong si Ninoy. Si Blackie ang pinaka the best na aso namin! Loyal, matalino, protective, game na game, the IDEAL dog kung baga. Mangapitbahay man toh dun sa kabilang subdivision, nakakabalik magisa! Ang galing noh! Hinabol pa nya minsan yung schoolbus namin papunta ng school! Umabot sya hanggang sa school gate, NONSTOP! Kinelangan tuloy nung schoolbus driver namin na ihatid sya! Pero, kinailangan namin iwan si Blackie nugn lumipat kami eh, kasi dumating si Tweetie... *sobs
2. Si Tweetie - tama, named after the Looney Tunes. Regalo din si Tweetie samin, kaso di ko na maala kung sino nagbigay eh. yung kapitbahay ata namin. Pinagpalit kay Balckie, mas bata, mas sweet, babae eh. Nabuntis ni Balckie bago sya mawalay samin! Sa kasawiang palad, she died after giving birth...kinalaingan namin i-bottle feed yung mga anak nya, pinamigay din ng tatay ko in the end lahat nung puppies, except for one.
3. Si Cory - anak ni Tweetie na natira samin. wala na ko masyado maalala sa aso na toh, except namatay sya sa akisidente at umiyak kami. Nasagasaan. sabi nila kung ang aso daw ay namatay, ibig sabihin hinarang nya yung aksidente para sa master nya. Salamat Cory...
4. Si ChiChi - magandang aso. Bigay din. Askal man, pero mukang may breed. Kaso, masyadong maarte tong asong toh eh. Although minahal ko rin sya, hindi sya ganun ka attached sakin. Ang balahibo nya, laging may naiiwan sakin pagpasok ko sa skul! ^_^. Binigay ko sya sa cousins ko.
5. Si Marshall - bigay ng ahente ng tatay ko, eto na siguro ang second best kay Blackie! May breed tong si Marshall, di lang namin malaman kung ano. Gray Eyes eh! Imported ibig sabihin! Saka ang built, hindi Askal! Lumaki sya samin 2 years din yun. Kaso, parang Marley si Marshall eh, medyo hyperactive and attention seeker! Seloso din sya, to the point na inaatake na nya kahit mga kaibigan namin na kilala nya pag lumalapit samin... Kinalangan namin syang bitawan.. masama man sa loob namin.
6. Si Onyx - regalo sakin ng kapatid kung bunsong si Oboy nung birthday ko. Ang cute cute na tuta. Puti, tapos black eyes! Kaya naman Onyx! Asteegg di ba? 3rd sa ranking ko. Kaso, she died at after giving birth din... ang saklap pa ng pagkamatay nya... nakita ko syang namatay eh... parang nawalan din ako ng mahal sa buhay. Ako ang nagpalaki sa kanya eh... super iyako ko nun...Miss ko parin si Onyx...
7. Si Ninoy at Evita - 2 anak ni Onyx, named after sa big sis and big bro ko. lol! Kasi nasa college na sila nun eh. kalokohan lang namin ni bunso. Kaso, hindi kinaya ng powdered milk. Namatay din sila agad. Alala ko pa umuuwi kami pag lunchtime ni oboy para i-bottle feed sila...
Sila ang mga naging aso namin. Nakasama, minahamal, kinalinga, trinatong pamilya.
Nagkaroon ako ng mga pusa,kaso iba ang loyalty ng aso sabi nga. Pusa kasi, medyo tamad. Sa interval na wala kaming aso, namumulot kami ng mga kuting na abandonando sa kalye para alagaan at gawing maganda! Nagkalat sila! kaso, anu mang pangalan ang ibansag ko sa mga pusa ko, They only resopond to "Muning"! kasalan ng tatay ko! Pano ba naman, pag kainan na my Dad goes" psstt..Pssstt Muniiinng... Muuniinggg...Kain na Muning"! Syempre, they only answer to that name! Kasi synonymous to food eh!
Sa mga daga naman, series of white rats and hamster. Ilang white rats siguro ang inalagaan ko, kaso, bigla n alang silang nawawala eh... may nakikita na lang ako black and white na daga na tumatakbo sa bahay namin after a few months! Crossbreed!!! Sa hamster, 2 lang naging hamster ko, si Fred & George, binigay ko kay kristia si George nung namatay si Fred. kaso hindi matake ni george ang kawalan ng kapatid, sinundan din nya after a few weeks...
Haayyy.. pasalamat ko sa lahat ng mga naging alaga ko. Pinasaya nyo ang aking childhood. Blackie, Tweetie, Cory, Chichi, Marshall, Onyx, Ninoy & evita, Muning (s), white rats, and Fred & George, maraming salamat for lending you furry hides para panggigilan! ^_^