Iskul Blues Ver 2.0

Dec 18, 2004 17:28

(aba ewan! eto ba ang karaniwang magaaral?)

Iskul Blues ver 2.0

Pagkagising sa umaga
Deretso sa eskuwela
ang dami ko pang gagawin

Homework na nalimutan
Lesson na pagaaralan
at notes na tatapusin

Ito ang buhay ko
Hayskul life na ito

Pag pumasok na ang titser
ako ang makikita
ngunit wala namang ginawang kasalanan

At magsisimula ang araw
na punong puno ng sermon
at dapat na itigil ang kalokohan

Ako pa ang nakikita
at ako ang nasisisi
ngunit wala namang kasalanan

eto ang buhay ko
hayskul life na ito

at pagdating ng break time
hay salamat kalayaan
at sisimulan ko na ang tawanan

kasama ang barkada
sama samang naguusap
tungkol sa kung anu anong bagay

at isang buong araw
paulit ulit na lang
at isang lingo pang mangyayari

at paguwi ng bahay
makakahinga ng maluwag
at minasan ay napapasabi

"ito ang buhay ko
ang hayskul layp kong ito"

ako ang nakikita
ako ang nasisisi
ngunit wala namang ginawang kasalanan
Previous post Next post
Up