(no subject)

Feb 03, 2009 23:35

nakaraan na pala ang pasko at new year (kahit chinese new year) wala pa rin update.

meron lang kasing "fishy" going on sa office. nahahalata ko lang. gusto ko mag-comment sa LJ mo pero i will just remain a stalker.  haha
apparently medyo inaamin naman niya (super Inggo) na may "nangyari" talaga. oh well kung mabasa mo ito, well and good at malalaman mo rin na (at least ako) hindi manhid at may napapansin din sa mga kaganapan.

work related stuff
- katatapos lang ng evaluation. hindi ko na alam kung tama ba yung mga sinabi ko at enough justification na kaya iyon?
- there is an issue sa isang account namin. ayaw ko magsalita. pero it seems na pinapabayaan lang ako ng boss na i-handle na yung problem. ayaw ko magsalita kasi malaki ang effect. kung sa akin lang manggagaling, then it can affect one very big business all together. scary talaga. sana maglabas na ng official statement si boss.
- thank God hindi pa blocked ang facebook sa office. so may libangan kahit paano. but i never access FB sa office. ma-log pa sa IT na nagiinternet lang ako. mahirap na at baka masumbat pa sa akin iyon later on..
- need to fly to davao, cdo and cebu once again. medyo sawa na ako sa mga lugar na ito. kaya kapag may chance, pinipili ko mag zambo na lang or gensan. next time talaga, dumaguete na ako pupunta kahit panget airport nila.
- a very close colleague has resigned sa company. last day niya today. had dinner para naman medyo masaya ang send off. nakakalungkot kapag alam mo iba lumalaya na. haha!

on day dreams
- napagtanto ko na baka sakali manalo ako sa lotto. susubukan ko nga tumaya every week. lucky pick lang. 20 pesos per week, times 52 weeks = roughly 1000 pesos lang in one year. limpak limpak naman ang kapalit. swerte kaya ako? 
- kaya naisip ko, sana sa susunod na pagkakataon, audi na ang dinadrive ko.
-malapit na ang summer. kailan kaya ang summer sa IBIZA? haha

puro day dreams lang talaga...

heard about the durex condom tester job. sounds interesting pero pang married men lang. pero yung intriguing eh yung qualification na "must have strong knees" haha. mukhang ibang level ang pagpapatest ng condom. check it out dun sa website nila www.durex.com.ph



Previous post Next post
Up