otaku, tinapay, momo

Mar 31, 2013 23:09

umpisa pa lang ng summer pero sobrang init na... sana umulan naman kapag gabi.

Deka Wanko, Kimi to Boku, Chihayafuru, Merlin, That winter at Momo e no Tegami marathon



Bukas ko uumpisahan yung Tokyo Control.

Gusto ko sumakay sa Starflyer, mukhang orca yung mga eroplano nila.


practice sourdough starter Poolish



Gusto ng boss ko na mabilis gawin yung baguette at ciabatta kaya gumagamit sila nung Puratos mix- pero authentic ang gusto niya. Lahat dapat mabilis. Pancake na lang kaya gawin niyo. Mahirap talaga kapag hindi artisan baker yung nagtuturo at may-ari.

Sa bahay na lang ako gumagawa ng totoong bread.

Pagtapos ng 3 oras, buhay na buhay na sila



Di nila alam na mas mabilis yung pag-gawa kung gagamit ng starter- mas mabilis fermentation. Iba lasa at malalaki yung butas kapag may sourdough.

Buti na lang may alam ako sa chemistry ng baking kahit mabagal ako mag-shape.

Bukas dinner rolls.

Siguro tapos na quarter life crisis ko sa May.

3 beses tumawag yung Telus at pinag-aapply ako. Wala ba silang database ng mga taong nakapasa na?

Sinisipon si Momo, nahawa ko ata.

mga nagmamadali, ignorance is bliss

Previous post
Up