mix vs scratch

Feb 22, 2013 17:46

Dahil ngayon ko pa lang nasubukan yung nabili kong doughnut mix sa Cartimar.



Di ko matandaan kung magkano yung 1 kg.


Natandaan ko pa naman yung translation nung may-ari kung paano gamitin yung mix.





Saka ko lang nakita na cake dough pala to, akala ko yung nabibili sa Tous Les Jours



Nalimutan ko na kung gaano kalagkit ang cake dough... kapag from scratch ang ginagawa ko pinapalamig pa siya ng 1 oras para hindi mahirap i-shape.



Minadali ko na iluto kaya mukha silang ewan.

Pros:
madali gawin (1 hour)
hindi na kailangan ng filling/ i-roll sa asukal
hindi oily compared sa yeast doughnut

Cons:
matamis masyado
hirap i-shape
mas madali masunog
hindi ko feel yung texture, makati sa lalamunan

Gagawin ko na lang pancake yung natitirang mix. Akala ko pa naman Korean doughnuts talaga, yung parang mochi-karioka texture na doughnut.



Ang haba ng listahan ng papanoorin at download sa torrent.

At may bago na naman akong nahukay sa yt.

image Click to view



Mukhang magandang exercise kapag gabi.

doughnut

Previous post Next post
Up